By Rowena Agilada
GAYA ni Dennis Trillo, itinanggi rin ni Jennylyn Mercado na engaged o kasal na sila. Natatawa nga raw siya sa mga nagko-congratulate sa kanya na joke pa niya, feeling nanalo siya ng award.
Nakausap si Jen ng entertainment writers sa media conference ng “The Cure” na aniya, sa kanya ang napagkamalang engagement ring. Binili niya ‘yun.
Hindi pa nila napag-uusapan ni Dennis ang pagpapakasal dahil marami pa siyang gustong gawin sa buhay.
Mas excited si Jen pag-usapan ang bago niyang show sa GMA, ang “The Cure.” First time siyang gumawa ng teleserye na suspense-thriller. Bukod sa drama scenes, physically demanding dahil may action scenes siya.
“Mahirap, pero very fulfilling. Challenging and exciting ang mga eksena,” ani Jen. First time niya ka-work si Tom Rodriguez na mag-asawa ang ginagampanan nila.
Kontrabida
Kasama sa cast ng “The Cure” si Mark Herras, ex-boyfriend ni Jennylyn Mercado. Nagkasama na sila sa “Rhodora X.”
Kinuyog ng press si Mark noong presscon ng “The Cure” dahil sa lumabas na sex video scandal niya sa internet.
Ani Mark, 12 years ago pa ‘yun at hindi niya alam kung ano ang motibo ng nag-upload nu’n. Matagal na siyang naka-move-on at hindi siya affected.
Nag-alala lang siya for his girlfriend, Teresita Ssen “Winwyn” Marquez. Affected much ito at naiirita na itina-tag pa sa sex video scandal ni Mark. Nakikiusap si Mark na huwag nang idamay ang kanyang girlfriend.
Kung ang intention daw ng nag-upload ay sirain ang relasyon nila ni Teresita, hindi nila hahayaang mangyari ‘yun.
Going strong ang kanilang relasyon, ayon kay Mark.
Anyway, kontrabida role siya sa “The Cure” na first time ever niya. Marami siyang sama ng loob, maangas.
Palaban na
Natutuwa ang viewers ng “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” dahil palaban na si Yasmien Kurdi (as Thea). Hindi na siya nagpapaapi sa biyenan niyang si Adelle (Gina Alajar). Sinasagot na niya ito at sinasaktan (physically). Sumosobra na kasi ang kasamaan nito.
Natuto na rin si Thea, ipaglaban ang karapatan niya bilang isang ina. Problema lang na nalason na ang isipan ng kambal niyang anak. Ayaw na sa kanya ng mga ito. Mas gusto nilang kapiling ang kanilang daddy Marco (Mike Tan).
Ano’ng hakbang ang gagawin ni Thea?
Tutok lang sa mga kaganapan sa HKKIK sa GMA Afternoon Prime.