By Rowena Agilada
NANGYARI rin pala kay Tom Rodriguez ‘yung naloko siya ng mga taong malapit sa kanya. Masakit aniya, kaya nararamdaman niya ang pinagdaraanan ngayon ng girlfriend niyang si Carla Abellana.
Naloko ito ng inakalang mapagkakatiwalaang mga taong malapit sa kanya. Nag-invest si Carla sa iba’t ibang negosyo, pero disappointed siya sa nawalang hard-earned money niya.
Alam ni Tom kung magkano ang halagang nawala sa kanyang GF, pero tumanggi siyang sabihin sa mga nagtanong na reporters noong presscon ng “The Cure.” Aniya, suportado niya si Carla kung anuman ang balak nitong gawin sa mga taong nanloko rito.
Asked kung kailan naman sila magpapakasal, ayaw nilang magpa-pressure. Basta sigurado na sila sa isa’t isa.
Pinaghahandaan na nila ang kanilang future.
Samantala, excited si Tom sa “The Cure” kung saan first time niya ka-work si Jennylyn Mercado. Aniya, sobrang masarap at masayang katrabaho ang aktres. Sa April 30 ang pilot telecast ng upcoming GMA series na si Mark Reyes ang direktor.
Di nagmamadali
Three years na together sina LJ Reyes at Paolo Contis, pero wala pa silang balak magpakasal. Sana raw ay maging forever na sila.
Super close kay Paolo ang anak ni LJ kay Paulo Avelino na si Aki na Tito Pao ang tawag ng bagets. Ani LJ, parati naman niyang ipinapaalala kay Aki na si Paulo ang totoong tatay nito. “Magkamukha sila,” she said.
Ayon kay LJ, okey sila ni Paulo. Nagbabatian sila kapag nagkikita sila sa school activities ng anak nila. Malayang nadadalaw ni Paulo si Aki sa bahay niya (LJ).
Ayon pa kay LJ, given a chance, willing siyang makatrabaho si Paulo. Itinanggi ni LJ na may offer sa kanya ang ABS-CBN. Mag-e-expire na ang kontrata niya sa GMA7 at renewable ‘yun. Masaya siya sa Kapuso Network dahil parati siyang may work. Kasama si LJ sa upcoming show, ang “The Cure.”
She plays Katrina, college friend ni Tom Rodriguez (as Greg) na secretly in love with him. Kontrabida siya sa relasyong mag-asawa nina Tom at Jennylyn Mercado (as Charity). Off-camera, ani LJ, pinag-uusapan nila ni Jen ang respective sons nilang sina Aki at Alex Jazz.
Parehong produkto ng “Starstruck” sina Jen at LJ. Batch 1 si Jen, batch 2 si LJ.