By Laila Chikadora
KAKAIBANG party ang kakaririn ni Regine Tolentino sa Labor Day weekend! Sa mga mami-miss ang Laboracay ngayong taon, mag-Labor Union na lang!
Dadalhin ni Regine sa unang pagkakataon ang taunang Dance Fitness Festival sa San Fernando, La Union na pinamagatang “Dance by the beach!” Bagong venue, mas madaming ganap!
Lisensiyadong Zumba Fitness instructor si Regine kaya naman ang Dance Diva, sinigurong mag-e-enjoy ang mga titos and titas hanggang i-generation sa magaganap na Zumba by the beach sa April 28.
“As a licensed professional it’s important that I prepare the music and the choreography na bagay sa mga a-attend. So everyone will get a good workout and hindi sila ma-i-stress dahil mahihirap ‘yung steps, ma-e-enganyo sila sa music at sa gagawin nating dance steps,” say ni Regine.
Turning 40 na din ang Dance Diva ngayong taon. Isa sa mga regalo niya sa kanyang sarili ay ang pagtatapos ng proseso ng kanyang annulment ngayong 2018. Say ni Regine, “Next month o June matatapos na din ang annulment ko, I just had my last few hearings and finally, matatapos na yan because I’ve been waiting for it for a long time.”
Apat na taon nang waiting si Regine sa kanyang annulment. Apat na taon na ding no show sa kanyang mga anak si Lander Vera Perez, ang tatay ng kanyang kids! Ani Regine, “I have no idea where he is. He has no communication with my kids, he does not support them whatsoever, not even one centavo since the day he left.”
Feeling blessed naman ang Dance Diva dahil sa kabila ng pinagdaanan ay madami siyang trabaho at naitataguyod mag-isa ang mga bata. Ang pagiging abala sa trabaho at negosyo din ang isa sa mga dahilan kung bakit zero ang lovelife niya. Bukod dito, ipinangako din niya sa kanyang mga bagets na mananatili siyang single hangga’t hindi pa tapos ang annulment.
Sa pagbubukas ng bagong kabanata sa buhay ni Regine after annulment, ready na ba siyang bigyang muli ng chance ang pag-ibig? “I have so much love to give! I’m just waiting for whoever that lucky person is na Mr. Right for me! Ang suwerte niya kasi grabe ako magmahal! Haha!” say ni Regine.
Pagdating naman sa mamahalin, mas wais at mabusisi na ang morning show host ngayon sa pagpili ng kanyang ideal man.
Number one sa criteria… dapat hindi taga showbiz! Say ng Dance Diva, “No showbiz! hindi talaga ayaw ko ng taga-showbiz! Ayaw ko din ng foreigner! Ang choosy! Hahaha! Someone who probably understands my line of work.”
Masarap mang mainlove, isa sa mga natutunan niya ay sabay na gamitin ang puso at isipan! Payo ni Regine, “You really have to think as well when you use your heart because it’s so easy to fall.”