By Jel Santos
Isang barangay chairwoman ng Manila ang sinampahan ng administrative complaint ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa kabiguan niyang mapanatili ang kaayusan sa Lawton na ilang beses nang nilinis ng ahenisya.
Ang reklamao laban kay Barangay 659 Chairman Ligaya Santos ay isinampa sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Jose Arturo “Jojo’ Garcia, MMDA OIC general manager, hindi nagampanan ni Santos ang kaniyang tungkulin na panatilihin ang kaayusan ng naturang lugar.
Sa ginanap na press conference, sinabi ni Garcia na nagsagawa ng surprise visits ang MMDA sa naturang lugar at nalaman nila na balewala ang ginawa nilang paglilinis doon dahil malinaw na kinalimutan ng chairman ang kasunduan sa ahensiya.
“I am executing this complaint affidavit for the purpose of instituting an administrative case for Neglect or Dereliction of Duty under Sec. 6 (c) of RA 7160, and violation of Sec. 30 of RA 7279, against Chairwoman Ligaya Santos of Barangay 659 Zone 71, District V, Manila,” pahayag ni Garcia sa kaniyang complaint.
Sinabi pa ni Garcia na sinisikap ng ahensiya na gawin ang lahat ng makakaya para alisin ang lahat ng obstructions sa mga pangunahing daan at kalye sa metropolis, at kinakailangang gawin din ng barangay captains ang kanilang trabaho.