By Rowena Agilada
TUNGKOL sa long term relationship ang tema ng bagong movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Light romantic film ito under Star Cinema na si Cathy Garcia-Molina ang direktor.
Last three movies ito na ididirek niya bago siya mag-retire. Sa August next year mag-e-expire ang kontrata ni direk Cathy sa Star Cinema.
“The Hows of Us” ang working title ng upcoming KathNiel movie na tatalakay kung paano magtagal ang isang relasyon.
Akma kina Daniel at Kathryn ang bago nilang pelikula at nakaka-relate sila dahil six years na ang kanilang love team na nauwi sa real life romance.
All these years, nananatiling bankable ang KathNiel love team at going strong ang kanilang real life romance.
Nauna
Nauna na si Willie Revillame sa pag-welcome sa kaibigan niyang si John Estrada sa paglipat nito sa Kapuso Network. Sa programa niyang “Wowowin” ay winelkam ni Willie si John, wala nga lang ang huli.
Ipinahayag ni Willie na isa sa board of judges si John sa gaganaping grand finals ng “The Will to Win” sa Kia Theater.
Ano kaya kung kuning co-host ni Willie si John sa “Wowowin”?
Balitang kasama si John sa upcoming primetime series ni Alden Richards. Balita ring si Janine Gutierrez ang leading lady ng Pambansang Bae.
Concerned
Balitang diumano’y kinukunsider si Paolo Contis para maging co-host ni Willie Revillame sa “Wowowin.” Noong bumisita si Paolo sa show ay nagbiro siya na baka gusto ni Willie na maging co-host siya. Namamalat na raw kasi ito sa kasisigaw.
Concerned lang daw siya sa health ni Willie. “Hindi pa ako matanda, huh!” sabi ni Revillame. “Parang hindi naman,” buwelta ni Paolo. Buti na lang, hindi napikon si Willie.
Ginastusan
Hindi nanghinayang ang GMA7 sa malaking halagang ginastos para pasabugin ang laboratory building na ginamit sa “The Cure.” Parang ruins ‘yun somewhere sa Batangas. Ibinigay ang budget para sa ikagaganda ng upcoming teleserye na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez.
Bukod sa pinasabog na laboratory building, marami pang dapat aba ngan na malalaking eksena sa “The Cure,” ayon sa direktor nitong si Mark Reyes.
Si Jennylyn ang only choice niya para gumanap bilang Charity. “She’s a good actress, sexy at physically fit,” ani direk Mark. Marunong si Jen ng ju jitsiu, pero nag-training pa siya dahil marami siyang fight scenes. Sa April 30 ang pilot telecast ng “The Cure” sa GMA Telebabad.