By GLEN P. SIBONGA
DAMAY na si Korina Sanchez sa galit ni Kris Aquino sa dati niyang asawa at tatay ng anak niyang si Bimby na si James Yap. Bagama’t hindi direktang pinangalanan ni Kris, malinaw na si Korina ang binanatan niya sa kanyang Instagram post ilang oras matapos itampok si James kasama ang bago nitong kinakasama na si Michela Cazzola, at ang anak nilang si Michael James noong Linggo, April 22, sa “Rated K,” na hino-host ni Korina sa ABS-CBN.
Post ni Kris sa kanyang IG (@krisaquino): “i have really had ENOUGH. Simple lang- minsan lang akong pinakiusapan ng kapatid ko- never para sa sarili nya pero para sa kandidatong inendorso nya. Dahil mahal ko sya ginawa ko. Lahat ng batikos ng dahil sa pagtulong na yon tinaggap ko… Tatlong beses akong nagpunta sa Davao- sa kampanya nung 2010, kampanya 2013 para kay Sen Chiz & Sen Grace at nung nag Kris Tv. Si PRRD lahat nung pagkakataon na nagkaharap kami, mabuti ang pinakita sa kin. Sampal sa mukha ko ang inilabas na feature ngayong gabi nung misis ni Mar Roxas. Yes pinepersonal ko dahil binuwis ko ang kinabukasan namin ng mga anak ko ng walang inasahang kapalit. At ang ganti sa kin at sa mga anak ko ngayon ay binida pa ang deadbeat na tatay… I apologize sa Kuya ko, humihingi rin ako ng paumanhin sa ninang ko na nanay ni Mar- pero klarong klaro sa kin kung bakit ang nanalong Pangulo ay si DUTERTE.”
Si Mar Roxas, na asawa ni Korina, ang inendorsong kandidato noong 2016 presidential elections ng dating pangulo at kapatid ni Kris na si Noynoy Aquino sa ilalim ng Liberal Party. Kaya naman si Mar kasama ang iba pang kandidato ng LP ang ikinampanya ni Kris noon. Pero natalo si Mar ni Pangulong Rodrigo Duterte sa halalan.
Bukod sa hindi man lang nabanggit na ang panganay na anak ni James ay si Bimby, tila hindi nagustuhan ni Kris na pinalabas sa naturang “Rated K” feature na mabuti at responsableng tatay si James. Gayung noong nakaraang weekend ay naglabas ng sama ng loob at galit si Kris kay James sa IG dahil sa birthday message nito kay Bimby, who turned 11 noong April 19.
Bahagi ng IG post ni Kris patungkol kay James: “What made me want to puke were the lines ‘i miss you and think about you everyday.’ and ‘But i want you to know i will always be here for you.’ NASAAN KA NUNG BINULLY SI BIMB NUNG DATIHANG BROADCASTER, na hindi naman umuubra ang pagsisipsip kay PRRD, NUNG TINAWAG NYANG BAKLAIN AT LAMPA ANG ANAK MO? When you never once made an effort to defend your son in any manner you showed what kind of man you are…”
Ang datihang broadcaster na tinutukoy ni Kris ay si Jay Sonza, na tinawag na baklain si Bimby matapos itong aksidenteng madulas sa swimming pool, na naging headlines sa news sa telebisyon at mga pahayagan.
Patuloy pang naglabas ng sama ng loob si Kris sa isa pa niyang IG post: “I know I’ve unleashed a double edged sword.
I know i’ve made enemies, and i’ve also found kindred spirits in MOTHERS who like me have felt that they have had ENOUGH & they had to take a stand & say I AM NOW FIGHTING BACK. I also know i have personal demons i need to exorcise because no matter what i still want to be someone my sons can be proud of… so i will collect my thoughts & try my best to forgive regardless of the fact no remorse has ever been shown. I apologize for including politics, but that is the unfortunate baggage & responsibility of my last name.
But i will not delete any posts because my anger comes from the heart of a mother who has been unnecessarily stepped on by someone who hasn’t had the privilege of motherhood… I do sincerely apologize to my brother. And I apologize to President Duterte. And Mar, to you i am sorry. In the same way i would always wonder why i would be dragged into issues not of my doing- i was guilty of that tonight. I’ll be back after i have found my peace. Until then, to all those who still found it in their hearts to understand & embrace me & my sons- you have my eternal gratitude. #laban”