By Rowena Agilada
HAPPIEST and most memorable ever kay Luis Manzano ang kanyang 37th birthday. For the first time ay nagkasama ang estranged parents niyang sina Edu Manzano at Congresswoman Vilma Santos, his stepfather Senator Ralph Recto, kasama ang half-sibling niyang si Ryan Christian sa kanyang birthday celebration on April 21 sa isang social na hotel.
Post ni Luis sa socmed, ang girlfriend niyang si Jessy Mendiola ang nag-effort na pagsamahin ang mga ito sa kanyang birthday, kaya sobrang thankful si Luis sa ginawa ni Jessy. ‘Andun din ang pamilya ni Jessy.
Ang inaabangan ng madlang pipol ay ang wedding bells for Luis and Jessy. Maganap na kaya ‘yun this year?
Talent management
May sarili na ring talent management company ang former actress na si Anne Villegas. Director na siya ngayon at official acting coach and teacher ng GMA7 talents. Itinatag ni Anne ang Light of Life Talent Management Inc. A few days ago ay ini-launch ang LOL Stars 2018. Isinabay na rin ang contract-signing na ginanap sa isang mall sa QC.
Ayon kay Anne, accredited talent supplier ng GMA7 ang LOL. May extended acting workshops din ang ilang talents nila sa ABS-CBN. May acting school ang LOL. Nagtuturo rin sila ng singing, dancing, hosting, modelling, English at speech training.
Dalawa sa LOL talents ay sina Sandy Talag at Judy dela Cruz. Starstruck Kids avenger si Sandy, now 19 years old.
Communication Arts student siya sa La Consolacion University. Kapanabayan niya sa “Starstruck Kids” sina Miguel Tanfelix at Bea Binene.
Nakalabas si Sandy sa ilang GMA shows at sa TV5. When she was 11 years old, gumawa siya ng indie film, “Lilet Never Happened” kung saan gumanap siya bilang isang child prostitute. Nanalo siyang best actress sa Oaxaca Film Festival in Mexico (2013) at sa Jaipur International Film Festival in India (2014). Twice siyang naging Ani ng Dangal Awardee ng National Commission for Culture and the Arts (2014 & 2015).
Promising
Ang laki ng iginanda ni Judy dela Cruz, ang dating tabachingching na gumanap bilang Jocelyn sa GMA series, “Yagit” in 2014. Sixteen years old na ngayon si Judy at pumayat na.
Naging bahagi rin siya ng “Little Nanay,” “Juan Happy Love Story” at “Sa Piling ni Nanay.”
Nag-acting workshop siya kay Anne Villegas at inalok siya nitong maging talent ng LOL. Mukhang promising si Judy na childhood dream niya talaga ang maging artista.