By Rowena Agilada
FIRST time ni Tom Rodriguez gumawa ng action-suspense-thriller series, kaya super excited siya sa upcoming show niya sa GMA7, ang “The Cure.” Aniya, sa pilot episode pa lang nito’y sobrang intense na ang mga eksena. Pasabog agad.
Nag-enjoy si Tom sa action scenes niya na aniya, kahit delikado ang stunts, siya mismo ang gumawa. Hindi siya nagpa-double dahil gusto niyang ma-experience gumawa ng stunts.
Except for minor bruises sa kanyang arms, wala namang grabeng pinsalang natamo sa kanyang katawan si Tom.
He plays Greg in “The Cure,” isang clinical research associate sa isang international pharmaceutical laboratory.
Katambal niya si Jennylyn Mercado who plays Charity, his wife na dating registered nurse ang role.
Mapapanood ang “The Cure” simula April 30 sa GMA Telebabad.
Kinabahan
Special participation lang si Ken Chan sa “The Cure” dahil may gagawin siyang bagong show sa GMA7. Gusto niyang makatrabaho sina direk Mark Reyes at Jaclyn Jose, kaya pumayag siyang maging bahagi ng “The Cure.”
Ani Ken, kabado siya bago mag-taping. Memoryado niya ang kanyang lines dahil ayaw niyang mapahiya at mapagalitan siya. Nawala ang takot at kaba niya dahil ang bait at supportive ni Jaclyn. Jino-joke pa siya nito sa set.
Mag-inang doktor ang ginagampanan nila sa “The Cure.” Mas gusto niyang maggamot sa baryo kesa magtrabaho sa private hospital.
Si Arra San Agustin na isa ring doktor ang role ang love interest ni Ken.
In real life, single si Ken. Nag-break sila ng non-showbiz GF niya noong ginagawa pa niya ang “Destiny Rose.”
Maang-maangan
Bulung-bulungan na diumano’y hiwalay na si Cristine Reyes at asawa niyang si Ali Khatibi. Wala pang nagsasalita isa man sa kanila.
Hindi kaya dahil may ginagawang movie si Cristine, kaya natsitsismis na hiwalay na sila ni Ali? Ang babaw naman nu’n.
Maang-maangan naman si Ara Mina nang tanungin siya ng mga reporter tungkol sa isyu ng kapatid niyang si Cristine at husband nito. Hindi raw siya nagtatanong kay Cristine. Wala rin daw itong sinasabi sa kanya. Ayaw niyang makialam kung anuman ang problema ng mag-asawa.
Alam niyang makakayanang harapin ni Cristine kung anuman ang pinagdaraanan nilang mag-asawa. Sa pagkaalam ni Ara, together pa rin sina Cristine at Ali. Sooner or later, lalabas din ang katotohanan sa estado ng relasyon ng mag-asawa.