By Rowena Agilada
MAPAPANOOD na sa big screen ang “Single/Single: Love Is Not Enough” starring Shaina Magdayao and Matteo Guidicelli. Mula ito sa cable hit mini-series, “Single/Single” na umere noong 2016 with 13 episodes. Joint-production venture ito ng Cinema One at The Philippine Star.
Gumanap si Shaina bilang Joee at Joey naman si Matteo. Magsisimula ang “Single/Single: Love Is Not Enough” kung saan natapos ang serye sa huling episode nito kung saan papunta sa next level ang relasyon nina Joey at Joee.
Maraming pagsubok silang pagdaraanan na mababago ang dynamics ng kanilang relasyon at sa kanilang tropa ng mga millennial.
Tampok din sa “Single/Single Love Is Not Enough” ang original cast members mula sa cable series na sina Cherie Gil, Ricky Davao, Anna Luna, Brian Sy at JC Santos. Directed by Veronica Velasco and Pablo Biglang-awa. Written by Lilit Reyes and Jinky Laurel. Showing ito simula May 2 sa mga sinehan nationwide.
Deadma
Ngiti lang ang isinagot ni Matteo Guidicelli sa pagpalit ni Sarah Geronimo ng lyrics ng “Leaving on a Jet Plane” na kinanta ng kanyang GF noong “This 15 Me” anniversary concert nito.
Sa halip na “I’ll bring your wedding ring,” pinalitan ito ni Sarah ng “When I come back, I’ll wear your wedding ring.” Para bang nagpahiwatig si Sarah na gusto na niyang mag-asawa.
Ani Matteo, hindi pa niya masabi kung may plano na silang magpakasal. Abang-abang na lang. Who knows, baka manggulat na lang sila.
New house
Isang two-story house with three bedrooms at isang walk-in closet ang nabili ni Yasmien Kurdi at husband niyang si Rey Soldevilla. Somewhere ‘yun sa Muntinlupa City.
Ani Yasmien, maraming house and lot for sale ang tiningnan nilang mag-asawa at ‘yun ang nagustuhan nila. Malapit kasi sa airport. International licensed pilot ang husband niya, kaya convenient na malapit sa airport ang bahay nila.
Ayon kay Yasmien, happy at excited ang 5-year old daughter nilang si Ayesha dahil color blue ang bahay nila. Favorite color ‘yun ng bagets na fan ng “Frozen” character na si Elsa.
Nagbabalak na silang sundan si Ayesha, ani Yasmien. Samantala, kahanga-hanga ang tapang at lakas ng loob ni Yasmien sa ginawa niyang pagtalon sa Jones bridge sa isang eksena sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.” Wala siyang double. Paigting nang paigting ang mga kaganapan sa HKKIK, kaya tutok lang sa GMA Afternoon Prime na ito, Monday to Friday.