By RUEL J. MENDOZA
HINDI napigilan ng actor na si Tom Rodriguez na magpasalamat sa GMA-7 dahil sa magagandang projects na binigay sa kanya simula noong maging isang Kapuso siya.
Simula pa sa unang Kapuso teleserye niya na My Husband’s Lover, patuloy ang pagbigay sa kanya ng mga magagandang projects.
Ngayon ay isang kakaibang teleserye ang pinagbibidahan ni Tom with Jennylyn Mercado sa “The Cure.”
“GMA never fails to amaze me with the roles that they challenge me with. Everything that they give me… I don’t know why lagi akong sinusuwerte na it stretches me in one way or another, like different aspects.
“’My Husband’s Lover’ was really a project na huge undertaking for me, and it started making me realize what’s possible in this craft.
“Plus the succeeding shows that they have given to me had something like that na kahit hindi man ‘yun mismo ulit like MHL, it’s almost like a parallel, it’s almost analogous to it.
“It’s a different aspect and yet it’s still related what way na may mga matututunan kang bago hindi lang tungkol sa sarili mo, hindi lang tungkol sa trabaho mo, pero tungkol din sa mga kasama mo.
“This line of work could be a great source for learning if explored.
“Basta ako my focus is, katulad ng sinabi ni direk kanina… it’s a family, new adventure. And for me that’s where I am. I go 100% all in and I’m having a lot of fun,” sey pa ni Tom.
Hindi naman itinatanggi ni Tom na instant “fan mode” siya kapag nakakaeksena si Jennylyn sa “The Cure.”
“First time na full length na soap na kasama ko si Jen. Kasi ‘yung ginawa namin two days lang ng Lenten Special for APT, and du’n pa lang nag-enjoy na ako nang sobra.
“Kaya sarap, ang gaan lang katrabaho tsaka napakagaling, nakakabilib sobra.
“Kapag pinapanood mo siya, part of you is like can’t believe that you’re in a scene with her and part of you din is nandu’n ‘yung pagiging fan,” pagtapos pa ni Tom Rodriguez.