By Hans Amancio
Dalawang katao ang sugatan matapos na bumangga ang isang 18-wheeler truck sa isang electrical post sa Quiapo, Manila, noong Huwebes ng gabi.
Base sa police report, binabagtas ng truck ang kahabaan ng Arligue Street, Quiapo, noong April 26 dakong 11:31 p.m.
nang mawalan ng control ang driver nito na si Antonio Asidron at bumangga sa poste ng kuryente na nakatayo sa center island.
Nahagip ng truck ang isang pedestrian na tumilampon sa sidewalk.
Agad na rumesponde ang volunteers mula sa RAHA Mammoth Rescue Unit sa pamumuno ni officer-in-charge Francisco Vargas.
Binigyan nila ng first aid ang sugatang pedestrian.
Nagtamo ang biktima ng head injuries at walang malay nang datnan ng rescuers. Hindi muna pinangalanan ang biktima.
Dinala ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center kung saan siya nagpapagaling ngayon.
Samantala, si Asidron na nagtamo ng minor injuries ay binigyan ng medical assistance ng isang road emergency ambulance team.