By Johnny Decena
Habang isinusulat ko ito kahapon di ko alam kung alin ang uunahin pero dapat lang unahin ko pala ang Saturday Races dahil idaragdag ng Winner Take-All carry over amount of P1,563, 435.65 dito.
Ipinagdiriwang ngayong weekend sa Santa Ana Park ang two-day celebration ng 15th NPJAI Jockeys’ Day Cup at inaasahang magiging kasiya-siya ito sa bayang karerista.
Kabilang na dito ang P300,000 NPJAI – Philracom Cup na nilahukan ng Hookbung Dagat, Exlarated, ShooIn, couple entry Eugenie/Brilliance at couple entry ni Don Albentini/Star Belle.
Sa NPJAI – PCSO Sprint Race ay magpapangita naman ang Flintridge, Seni Sevoyum, Prime Power, Pinas Paraiso, Cote De Azur, Boston at Lil’ Dynamo.
Bukas naman, magpapangita-ngita ang couple entry Sooner Time/ Naughty Girl, Eugene Onigen, Pinagtipunan, Shining Vicat Brennere sa “1st Leg Imported/Local Challenge race sa race 1.
Itatakbo sa layong 1,300 meters ang nakataya dito ay P300,000, P12,500, P62,500 at P25,000 for the 1st to 4th placers, respectively, plus P15,000 to the Breeder’s purse to the breeder of the winning local horse only.
Kabilang dito ang dalawang NPAI-Philracom Cup na matatagpuan sa Race 4 at 5.
Samantala, ang 1 Leg Triple Crown ay gaganapin sa San Lazaro Leisure park in Carmona Cavite.
Sa mga di nakapagkarera kahapon, Thursday sa San Lazaro, nagsipanalo rito from Race 1 to 7 ay ang Can’t Rule Out Gonzee’s Song, Shining Sword, Leonora Angel, Musikera, Moon Fire at Kingdom 02 combinations 8-4-2-2-3-6
So there… good Luck and see you guys at Samson Billiard OTB at St. Joseph and/or at Obet dela Paz Momay’s Carinderia OTB at Marick, Cainta.