By Rowena Agilada
EIGHT years nag-aral ng jiu jitsu si Jennylyn Mercado at matagal-tagal din siyang huminto sa training. Naging busy kasi siya sa kanyang work, kaya nawalan siya ng time.
Sa bago niyang teleserye sa GMA7, may mga action scenes si Jen sa “The Cure,” kaya binalikan niya ang pagte-training ng jiu jitsu. Aniya, na-miss niya ang intense work out.
First time ni Jen gumawa ng isang action-suspense-thriller series, kaya excited siya sa “The Cure.” Nagagamit niya ang pinag-aralan niya sa jiu jitsu.
Matatandaang sa jiu jitsu nagkakilala si Jen at ex-boyfriend niyang si Luis Manzano. Nagkikita sila sa gym hanggang na-fall sila sa isa’t isa. Unfortunately, hindi nila forever ang isa’t isa at naghiwalay sila.
Sa isang interbyu kay Jen, nawindang siya dahil sa text lang siya brineyk ni Luis. Nakipagbalikan si Jen kay Dennis Trillo at hoping siya na together forever na sila. Kasal na nga lang ang kulang sa kanilang relasyon.
Anyway, ngayong Lunes na ang pilot telecast ng “The Cure” sa GMA Telebabad kung saan si Tom Rodriguez ang leading man ni Jennylyn.
Good father
Hindi nagkabalikan si Sunshine Dizon at husband niyang si Timothy Tan. Kamakailan ay nag-celebrate ng 7th birthday ang panganay nilang anak na si Doreen at dumalo si Timothy. Sa ipinost na pictures ni Sunshine sa socmed, parang happy family sila. Boy ang pangalawang anak nina Sunshine at Timothy.
Ani Sunshine, si Timothy pa rin ang ama ng kanyang mga anak kahit ano pang mangyari. May karapatan at obligasyon ito sa kanilang mga anak.
Ayon pa kay Sunshine, hindi niya mabigyan ng label ang status ng relasyon nila ngayon ni Timothy. Basta siya pa rin ang wife. Panahon na lang at si God ang makakapagsabi kung meant to be together sila.
Aniya pa, isang mabuting ama si Timothy. Hands-on father ito sa mga anak nila. “He drives them to school, helps them with school work, their playmate, etc.,” bahagi ng post ni Sunshine.
Malabo
Kapuri-puri rin si Katrina Halili na never siniraan si Kris Lawrence noong naghiwalay sila. Nananatili silang magkaibigan. Si Kris ang tatay ng five-year old daughter niyang si Katie.
Ani Katrina, good father si Kris sa anak nila. Nagbibigay ito ng financial support. Dumadalo sa school activities ng anak nila.
Nagsalita na ng tapos si Katrina na walang balikan na magaganap sa kanila ni Kris. They’re better-off as friends. So, there!