By Glen P. Sibonga
HANDANG-handa na ang tinaguriang Pop Idol na si LA Santos para sa kanyang first major solo concert entitled “#Petmalu,” na magaganap sa Music Museum sa April 30, 8 p.m.. Hindi nga niya maitago ang kanyang kasiyahan dahil katuparan ito ng kanyang pangarap.
“Siyempre sobrang sarap sa pakiramdam po. I’m ready to do this na po. Alam ko po umpisa pa lang ito, marami pa akong pagdadaanan kasi honestly hindi pa ako satisfied sa nangyayari sa akin ngayon kasi alam ko po I can do more pa po,” sabi ni LA
Kinakabahan din ba siya? “Siyempre ‘yung kaba hindi na nawawala ‘yun, pero mas malakas ‘yung feeling ko na excited kasi pinapangarap ko ito dati e, ‘yung magkaroon ng major solo concert. Tapos ngayon next week na mangyayari po.”
Ano ang aabangan ng mga manonood sa kanya sa concert? “I have more than 20 songs to sing po. Abangan niyo po ‘yung totoong musicality ko ‘po as an artist. Pati na rin ‘po sa mga guests ko ‘po kasi bigatin talaga ang mga guests ko, talagang petmalu.”
Kabilang sa kanyang special guests ay sina Jaya, Ian Veneracion, Jona, Michael Pangilinan, Imelda Papin, Claire dela Fuente, Eva Eugenio, Boobsie Wonderland, at ang sister ni LA na si Kanishia Santos.
Thankful si LA sa kanyang very supportive mom na si Mommy Flor. “Kaya nga po gusto kong ipagpatuloy itong pagkanta, itong career ko, kasi nakikita ko po na gustung-gusto rin ng mom ko ‘yung nangyayari sa akin kaya ganun na lang ‘yung support niya sa akin.”
Nagpapasalamat din si LA sa kanyang bagong manager ngayon na si Joed Serrano, na malaki ang bilib sa talent ni L.A. kaya iprinodyus niya ang concert ng young singer.
Ang #Petmalu ay hatid ng J.E.D.I. (Joed Entertainment Department Incorporated) at Dream Wings Production Inc. Ang musical director naman ay si Iean Iñigo.