Naging emotional at sabay nagwalk out si Sarah Geronimo sa kanyang concert sa Las Vegas, Nevada kung saan itinatangghal nya ang kanyang “This 15 Me” tour nitong nakaraang weekend.
Sa mga viral video na lumabas noong lunes, makikitang napapaiyak si Sarah habang inaawit nya ang kanyang signature song na “Forever’s Not Enough” at maya maya lamang ay hindi na niya maabot ang kanta at nagwalk-out na lamang.
Humingi si Sarah ng paumanhin sa mga nanunuod at sinabing pagod lamang daw sya. Pero naging palaisipan sa mga tao ang kanyang sinabi na hindi pa pala siya handa sa tagumpay na natatamasa nya sa ngayon.
Naalala nya yung mga panahon na pinapanood nya ang mga video ng King of Pop na si Michael Jackson kung saan tumitili ang kanyang mga fans habang ang iba naman ay gusto syang mahawakan man lang.
“Grabe po. I realized, na hindi po pala ako handa doon,” ayon kay Sarah, na nagse-celebrate ng kanyang 15th anniversary sa show business.
“Ginusto ko pong maibahagi ang talento ko pero, hindi pala ako handa sa mga kasama doon sa hiningi ko, lalong-lalo na ‘yung pressure to always do good, maging role model ka, maging perpekto ka. Mahirap po.”
“I’m so sorry. I hope na kayanin ko po, i-survive ko ‘tong gabing ito, because you paid. Gumastos po kayo para mabigyan kayo ng entertainment. I’m sorry,” ani Sarah.
Bukod sa Las Vegas, nakatakda pang dalhin ni Sarah ang kanyang anniversary show sa Chicago at New York.
“I have been asking myself, ‘Bakit I feel empty?’ Hindi ‘yung successful na shows o ‘yung mga hits ang makakapag-kumpleto sa ‘yo, ang makakapagpasaya sa ‘yo bilang isang tao, kundi ‘yung tunay na pagmamahal na hindi nagbabago, perpekto ka man o hindi.”
“Unti-unti po, hinahanap ko kung ano ba talaga ‘yung gagawin ko para I will feel fulfilled. Until now, pumapasok pa rin siya sa isip ko. But then, may nagsabi sa akin na, ‘Sarah, huwag ka na maghanap, kasi iyan ‘yung binigay na talento ng Diyos para sa ‘yo, so use that as a platform to honor His name, to glorify His name, and to become an inspiration to other people.’”
“Kayo po na patuloy na naniniwala – 15 years. Maraming, maraming salamat po. Forever po akong magiging thankful sa inyo. Pasensya na po,” ayon sa singer-aktres.
Pangatlo si Sarah sa apat na magkakapatid. Alam din ng lahat na kasama ni Sarah ang kanyang mga magulang na sila Delfin at Divine sa kanyang pag-angat mula ng manalo sya sa “Star for A Night” noong 2003. Matagumpay na rin niyang pinasok ang mundo ng pelikula at telebisyon. Sa ngayon, ke-relasyon ni Sarah ang aktor na si Matteo Guidicelli. (Robert R. Requintina)