By Rowena Agilada
SA May 13 ang Mother’s Day at maaga ang naging celebration ni Jackie Forster. After 12 long years ay nakita na niya ang mga anak niya kay Benjie Paras na sina Andre at Kobe.
Ito ang masayang ibinalita ni Jackie sa socmed at ipinost pa niya ang picture nilang mag-iina. Nagkita sila sa isang hotel sa Mandaluyong City noong April 28.
Sa exclusive interview ng PEP.ph, sinabi ni Jackie na si Kobe ang nag-effort na tawagan siya noong January 2018. Nasa London si Jackie, nasa Los Angeles naman si Kobe.
Nagkita sila sa L.A. Nag-bonding silang mag-ina. Nakilala rin ni Kobe ang tatlong half-siblings niya kay Jackie.
American ang husband ni Jackie.
Naunang umuwi sa Pilipinas si Kobe, sumunod na lang si Jackie. Aniya, nag-tsa-chat na rin sila ni Andre sa Facebook bago pa sila nagkita ng personal noong April 28. Naging emotional siya noong finally ay nagkaharap na sila ng panganay niyang anak.
Na-imagine namin na parang eksena sa teleserye o pelikula ang reunion ng mag-iina. Touching moment ‘yun.
In God’s perfect time, nasagot ang matagal nang ipinapanalangin ni Jackie na makita sina Andre at Kobe. Doing good sa kanilang respective careers sina Andre (showbiz) at Kobe (basketball). Mabe-bless pa sila lalo ngayong maayos na ang relasyon nila sa kanilang mama Jackie. Nakaka-good vibes.
Mukhang okey naman kay Benjie ang nangyari. After all, pagbali-baligtarin man ang mundo, si Jackie pa rin ang tunay na ina nina Andre at Kobe. Forgive and forget na lang. Move forward!
May tampuhan?
Kung nagkaayos na ang mag-iinang Jackie Forster, Andre at Kobe Paras, how true kaya na diumano, may tampuhan ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion?
Deadma si KC noong 22nd wedding anniversary (April 28) ng kanyang mama Sharon and her stepdad, Senator Kiko Pangilinan.
Nag-effort ang half-siblings ni KC na sina Frankie, Miel at Miguel na nagluto sila ng steak at pancakes bilang pa-breakfast sa kanilang parents.
Walang anniversary greeting post si KC sa socmed. Baka naman nakalimutan niya ang wedding anniversary ng kanyang mama Sharon at stepdad? O, sobrang busy lang si KC?
Noong birthday ni KC (April 7), sa Palawan siya nag-celebrate with her friends. Hindi kami sure kung binati siya ni Sharon sa socmed.