By ROBERT R. REQUINTINA
KUNG ang aktor na si Matteo Guidicelli ang tatanungin, okay na ang kanyang girfriend na si Sarah Geronimo matapos itong maging emotional sa kanyang concert sa Las Vegas, Nevada nitong weekend.
“A lot of our friends, especially in the industry, texted me and I was forwarding it to her. So she’s happy now, she got time to rest,” ayon kay Guidicelli sa panayam ng ABS CBN News.
“I guess she’s really tired,” sabi ni Guidicelli na nag-post na rin ng suporta para sa kanyang GF sa Instagram nitong Lunes.
“Keep walking, I’ll always be beside you. No matter what. I love you, my love. And I miss you,” ayon sa post ni Guidicelli.
“She’s very busy right now and it’s her 15th anniversary tour;
“I think she’s tired from show to show. So she had an emotional show the other night. I feel like I need to comfort her,” dagdag pa ng Kapamilya aktor.
Nagpa-abot din ng suporta ang mga fans ni Sarah sa social media.
Nitong weekend, nagwalk out si Sarah sa kanyang concert sa Las Vegas, Nevada kung saan itinatanghal niya ang kanyang “This 15 Me” tour.
Sa mga viral video na lumabas, makikitang napapaiyak si Sarah habang inaawit niya ang kanyang signature song na “Forever’s Not Enough” at maya maya lamang ay hindi na niya maabot ang kanta at nagwalk-out na lamang.
Humingi si Sarah, 29, ng paumanhin sa mga nanunuod at sinabing pagod lamang daw sya.
“I’m so sorry. I hope na kayanin ko po, i-survive ko ‘tong gabing ito, because you paid. Gumastos po kayo para mabigyan kayo ng entertainment. I’m sorry,” ani Sarah.
“I have been asking myself, ‘Bakit I feel empty?’ Hindi ‘yung successful na shows o ‘yung mga hits ang makakapag-kumpleto sa ‘yo, ang makakapagpasaya sa ‘yo bilang isang tao, kundi ‘yung tunay na pagmamahal na hindi nagbabago, perpekto ka man o hindi;”
“Unti-unti po, hinahanap ko kung ano ba talaga ‘yung gagawin ko para I will feel fulfilled. Until now, pumapasok pa rin siya sa isip ko. But then, may nagsabi sa akin na, ‘Sarah, huwag ka na maghanap, kasi iyan ‘yung binigay na talento ng Diyos para sa ‘yo, so use that as a platform to honor His name, to glorify His name, and to become an inspiration to other people.’”
“Kayo po na patuloy na naniniwala – 15 years. Maraming, maraming salamat po. Forever po akong magiging thankful sa inyo. Pasensya na po,” ayon sa singer-aktres.