By Rowena Agilada
SINA Ken Chan at Arra San Agustin ang magkapareha sa “The Cure” at marami ang nagsasabing bagay sila. They look good together. Married couple na parehong doktor ang ginagampanan nila.
Single si Ken for the longest time na aniya, focused muna siya sa kanyang career. Pero inamin niyang kinikilig siya kay Arra. Nilinaw niyang walang malisya ‘yun. Owwwssss?
Gandang-ganda siya sa mukha ng dalaga. Madalas silang magkasama ngayon sa taping ng “The Cure.” Hindi kaya magkadebelopan sina Ken at Arra?
Nagkatrabaho na sila sa “Meant To Be” kung saan ex-girlfriend na naanakan ni Ken ang ginampanan ni Arra. Sa “The Cure,” mag-asawa naman sila. Napapanood na ang epidemiserye na ito sa GMA Telebabad, Monday to Friday.
Ayaw
May mga kampo na kumakausap kay Willie Revillame para kumandidatong mayor ng QC sa May 2019 elections. Pero negative ang sagot ng TV host.
Wala siyang balak pasukin ang larangan ng pulitika dahil aniya, nakakatulong naman siya sa mga nangangailangan.
Simpleng buhay lang ang gusto ni Willie. Ayaw niyang magulo ‘yun kung magpupulitika siya.
Kuntento na siya na marami siyang napapasaya at natutulungan sa programa niyang “Wowowin.”
May mga humikayat sa kanya na kumandidato siya bilang senador noong kumandidato si former senator Manny Villar bilang presidente. Pero tumanggi si Willie.
Kakandidato?
Balitang may mga humihikayat naman kay Sheryl Cruz na kumandidato bilang councilor sa isang distrito sa Manila sa 2019 local elections.
Kapag nagkataon, suportahan kaya siya ng pinsan niyang si Senator Grace Poe? Matatandaang binatikos noon ni Sheryl ang kanyang pinsan nang kumandidato ito bilang presidente noong 2016 presidential elections.
Birthday gift
Birthday ni mommy Dionisia Pacquiao on May 15 at isang brand new car ang gift sa kanya ng daughter-in-law niyang si Jinkee Pacquio. Balita pang ipinag-shopping ng wifey ni Senator Manny Pacquiao si mommy D sa Louis Vuitton shop sa Greenbelt, Makati City. Bongga!
May birthday celebration kaya si mommy D? Kumusta naman kaya ang lovelife niya? Sila pa rin kaya ng much younger boylet niya?