By Rowena Agialada
SOBRANG pagod lang si Sarah Geronimo, kaya nag-break down siya sa Las Vegas concert niya. Sinabi ‘yan ni Matteo Guidicelli sa mga nakausap na reporters. Sunud-sunod daw kasi ang shows ng GF niya.
Okey na si Sarah, everything’s fine, ayon kay Matteo. Marami ang kinilig sa post niya sa socmed para mapagaan ang loob ng kanyang GF. “Keep walking. I’ll always be beside you. No matter what. I love you my love. And I miss you.”
Gustuhin man siguro ni Matteo sundan si Sarah sa US tour nito, hindi niya magagawa dahil may mga commitment siya rito (Pilipinas).
Sa pahayag ni Sarah na she feels empty na may hinahanap siya na makakakumpleto sa buhay niya, may mga ispekulasyon na hindi kaya gusto na niyang mag-asawa?
Noong “This 15 Me” anniversary concert niya sa Araneta Coliseum, parang nagpahiwatig siya kay Matteo. Pinalitan niya ang lyrics ng “Leaving On A Jetplane.” “When I come back, I’ll wear your wedding ring,” ang sinabi ni Sarah sa halip na “I’ll bring your wedding ring.”
Hindi raw kaya pagbalik ni Sarah mula sa kanyang US tour ay gusto na niyang magpakasal na sila ni Matteo? She’s turning 30 sa birthday niya in July. Matteo is 28.
Tuloy na
Tuloy na ang pelikulang pagtatambalan nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino. Nagsimula na ang shooting ng kanilang yet untitled movie na si Dan Villegas ang direktor.
Huli silang nagkatrabaho sa “Maalaala Mo Kaya.” Hopia (hoping) ang CarGel fans na magkakabalikan na sina Carlo at Angelica.
Abang-abang na lang.
Carry
Tuwang-tuwa si Tom Rodriguez kay Leanne Bautista, ang batang gumaganap na anak nila ni Jennylyn Mercado sa “The Cure.” Aniya, hindi lang cute ang bagets, magaling pang umarte.
Unang napanood si Leanne sa “Mulawin vs. Ravena” at bida-bidahan na siya sa “The Cure.” Carry niyang makipagsabayan sa acting kina Tom at Jen.
Nalaman na
Sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka,” nalaman na ni Marco (Mike Tan) na magkakutsaba ang mama Adel (Gina Alajar) niya at si Ava (Jackie Rice) para palabasing masamang babae si Thea (Yasmien Kurdi). Inamin na ni Edgar (Rob Moya) na binayaran siya ng mga ito para magpanggap na nakarelasyon niya si Thea at nahawahan niya ito ng HIV.
Palaban na si Thea at hindi na niya hahayaan ang panloloko at kasamaan nina Adel at Ava. Tutok lang sa HKKIK.