By ROBERT R. REQUINTINA
BINUWELTAHAN ni Gretchen Barretto ang isang netizen na tahasang nag-question tungkol sa kanyang pagtulong sa mga mahihirap.
Ani ng isang follower niya sa Instagram: “Why need to post and announce the world in giving help? To show that you are kind or mabait?”
Sagot ng aktres: “First of all, I never tried to look myself mabait or kind simply because I am not accountable to you nor to anyone.
“This all happened on Instagram when my followers were asking for a souvenir from me, a bag, watch or pearls, so I announced I will grant wishes that’s of more importance.
“There will be a few like you but I believe in my heart that there are more people who are genuinely kind . I choose to continue what I believe feels good & what feels right,” dagdag ni Gretchen.
Kinampihan naman ng mga tao si Gretchen at kinuyog naman nila ang netizen na tinawag nilang nega at troll.
Kung noon ay puro kasosyalan ang pino-post ni Gretchen sa kanyang Instagram, ngayon naman ay nagmistulan itong naging rescue site na tumutulong sa mga kapus-palad.
Hanggang ngayon ay binabaha pa rin ng mga request at pabor ang IG account ni Greta para sa pangangailangan ng mga mahihirap.
Imbes na puro pasyal at party ang kanyang mga post noon, ngayon naman ay tuwang-tuwa si Gretchen na nagbibigay siya ng tulong sa mga nangangailangan.
Kasama ni Gretchen sa pagbibigay tulong ang kanyang malalapit na kaibigan na sila Mimi Que at Patty Pineda.
Sanib-pwersa na rin sa kanila si Dominique Cojuangco, ang dalaginding na anak nila Gretch at Tony Boy Cojuangco, sa pagbibigay ng tulong.
Nagsimula ang lahat nang naisipan nila Gretchen at ang kanyang mga kaibigan na magbigay ng mga regalo para sa mga nangangailangan noong Easter Sunday.
Mula noon ay bigay na sila nang bigay ng mga regalo at pabor sa mga mahihirap.
Nauna nang sinabi nila Gretchen na hindi sila magbibigay ng pinansyal sa mga hihingi ng tulong.
Pero magbibigay sila ng tulong sa ibang paraan tulad ng pagbibigay ng mga wheelchair, operasyon, pagkain, gatas, insulin injection, mga gamot, gamit panluto, chemotherapy, laruan, atbp.