By Ruel J. Mendoza
PAGKATAPOS ng 38 years ay muling lalabas ang Pinay international star na si Lea Salonga sa award-winning musical na “Annie.”
Gumanap sa title role bilang Annie si Lea sa Repertory Philippines adapation ng naturang musical in 1980.
Sa pagkakataong ito, gagampanan ni Lea ang role bilang Grace Farrell, ang loyal assistant ng billionaire na si Oliver Warbucks na magiging kaibigan at tagapagtanggol ng orphan na si Annie.
Sa July 27 hanggang July 29, 2018 ise-stage ang musical na “Annie” sa Hollywood Bowl in Los Angeles, California.
Ayon pa sa website na Broadway World, ang magdidirek ng “Annie” ay si Michael Arden na dinirek na si Lea sa currently-running Broadway revival ng “Once On This Island” kunsaan ginagampanan ni Lea ang role bilang Erzulie.
Ang bagong production ng “Annie” will mark the 90th birthday of the musical’s composer na si Charles Strouse, who debuted the musical in 1977.
Na-revive na ng dalawang beses on Broadway ang “Annie” (1997 and 2014) at nagkaroon na ito ng tatlong pelikula (1982, 1999, and 2014).
Veteran performer na si Lea pagdating sa mga musicals na nilabasan niya both on Broadway in New York and the West End in London. Kabilang sa mga nasamahan ni Lea na musicals ay ang “Once On This Island,” “Flower Drum Song,” “Allegiance,” “Les Miserables” at ang pagganap niya as Kim sa “Miss Saigon” kunsaan napanalunan niya ang Lawrence Olivier Award at Tony Award for best actress in a musical in 1991.
Nakilala rin si Lea sa pagbigay niya ng singing voice sa Disney princesses na si Jasmine in “Aladdin” at Fa Mulan in “Mulan.”
In 2011, isa si Lea sa pinarangalan bilang isang Disney Legend.
Kapag nandito sa Pilipinas si Lea, isa siya sa mentors ng “The Voice Philippines.”