By Rowena Agilada
KUNG nag-post sa socmed si Kobe Paras ng “I love you ma” (referring of course to Jackie Forster), nakaka-good vibes din ang movie date ni Jackie Forster at panganay niyang anak na si Andre Paras.
Post ni Jackie sa socmed, si Andre ang nagbayad ng ticket para sa isang pelikulang pinanood nila sa isang mall. May pa-coffee pa ang pogi niyang anak.
Okey naman kay Benjie Paras ang reunion ng mag-iina. Aniya, matagal na niyang alam na may communication sina Jackie, Andre at Kobe. Never niyang pinigilan ang mga ito. Alam niyang darating ang panahon na makakapag-desisyon na on their own ang mga anak nila.
Nakaka-sad lang kung totoo ang tsika na diumano, hindi nagustuhan ng second wife ni Benjie na si Lyxen ang pagkaayos nina Jackie, Andre at Kobe. Parang hindi kapani-paniwala dahil supportive and understanding wife and stepmom na si Lyxen.
Halos siya ang nag-alaga at nagpalaki kina Andre at Kobe na itinuring siyang parang tunay na ina.
Positivity na lang at huwag na sanang haluan ng negativity. Mas okey kung magkakaayos na rin sina Benjie, Jackie at Lyxen. Everybody happy. Gawin kaya nilang peg sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez at Michelle Van Eimeren?
Talbog!
Talbog ni Liza Soberano ang mga kapuwa niya celebrities. Sa farewell issue ng Yes! magazine ay siya ang hinirang na The Most Beautiful Face in Showbiz. Bongga, di ba?
Wala sanang kokontra dahil deserve ‘yun ni Liza. Perfect ang ganda ng face niya with or without make-up.
Si Liza rin ang pinarangalan bilang Box-Office Queen 2017 ng Guillermo Mendoza Memorial Awards para sa pelikulang “My Ex and Whys” with Enrique Gil na hinirang namang Box-Office King.
Deadma
Deadma lang si Ruru Madrid sa balitang nakitang magkasama sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa Bonifacio Global City. Kahit pa consistent si Gabbi sa pagsasabing friends lang sila, wa care si Ruru.
Consistent din si Ruru sa pagsasabing never naging “sila” ni Gabbi. Pero ayon sa isang reporter na malapit sa kanya, naging together sila ni Gabbi for two years.
Asa pa ang GabRu fans na magkakabalikan sina Ruru at Gabbi. Huwag nang ipilit ang hindi puwede. Pati nga screen love team nila’y mukhang nanlalamig na. Carry naman nilang mag-solo sa kanilang respective careers.