By Ruel J. Mendoza
Pagkatapos ng unang primetime teleserye niya sa GMA-7 na “My Korean Jagiya,” mapapanood ang award-winning actor na si Edgar Allan Guzman sa afternoon teleserye na “The Stepdaughters.”
Misteryoso ang role ni EA sa naturang teleserye, pero isa siya sa kamumuhian ng mga televiewers ng show.
“Ako ‘yung isa sa mga uutusan ng karakter ni Katrina Halili na sirain si Luisa (Glydel Mercado) para sirain ‘yung relasyon nina Mayumi (Megan Young) at Francis (Mikael Daez).
“Malaking bagay, malaking story ‘yung dadalhin ko sa buhay nila.
“So abangan niyo ‘yun, mga Kapuso, ‘yung twist sa show. Sigurado ako na tatamaan at maaapektuhan kayo,” paniguro ni EA.
Matagal din nagpahinga si EA sa paggawa ng teleserye. Sinulit nito ang pagpapahinga at ngayon sasabak na ulit siya sa taping.
“Naging maganda kasi ang pagdating ng blessings sa atin last year. I was in a top-rating teleserye tapos nanalo pa ako ng acting award (MMFF Best Supporting Actor) for the movie I made na “Deadma Walking.”
“Ngayon back to work tayo at ang ganda pa ng role ko ulit,” ngiti pa niya.
Happy ni EA na mabigyan ulit ng magandang role sa isang GMA-7 teleserye. Tumatak kasi sa marami ang naging role niya bilang si Ryan sa My Korean Jagiya.
“Ako actually, gusto ko mag-thank you sa kanila kasi pina-feel nila sa ’kin na welcome ako sa show. First taping day pa lang, second taping day pa lang, kinausap na nila ako.
“Pina-feel na nila sa ’kin na dapat maging komportable ako, off-cam siyempre masaya sila kasama.
“Kapag on-cam, very professional silang lahat. Ang sarap nilang katrabaho kumbaga may natutunan din ako.
“Gusto rin namin magpasalamat sa mga viewers na sumusuporta sa show, dahil po sa inyo mataas po ang aming ratings.
Sana patuloy niyo po kaming panoorin at suportahan sa The Stepdaughters,” pagtapos pa ni EA Guzman.