By Rowena Agilada
Matapos mag-movie date ang mag-inang Jackie Forster at Andre Paras, si Kobe naman ang ka-date ni Jackie noong nanood sila ng concert ni Bruno Mars sa MOA Arena.
Talagang making up for the lost time ang mag-iina. Twelve years ba namang hindi sila nagkita. Post ni Jackie sa socmed, parang panaginip lang ang mga nangyayari at huwag na siyang gisingin. Haba raw ng hair niya parang si Rapunzel.
Aniya pa, nagsayaw sila ni Kobe sa concert ni Bruno Mars. “ I LUV YA MOTHER DEAREST,” sweet na post naman ni Kobe.
Kailan naman kaya magdi-date silang tatlo na magkakasama?
Comeback movie
Comeback movie ni Derek Ramsay sa Star Cinema ang “Kasal.” Kasama niya sina Bea Alonzo at Paulo Avelino. Supposedly, magka-work noon sa isang pelikula sina Bea at Derek. Nasa kalagitnaan na sila ng shoot nang biglang umalis si Derek sa ABS-CBN at lumipat sa TV5.
Nagtampo si Bea dahil hindi raw siya nasabihan ni Derek. Si John Lloyd ang ipinalit kay Derek. Nawala na ang tampo ni Bea ngayong natuloy na rin ang pagsasama nila ni Derek sa pelikula.
Showing ang “Kasal” sa May 16 sa mga sinehan nationwide. Kailan naman kaya mapapanood si Derek sa isang teleserye ng ABS-CBN? Maging Kapamilya na kaya siya uli?
Dream come true
Dream come true kay Ken Chan na may action scenes siya sa “The Cure.” Aniya, kapag kaya rin lang niya ang mga eksena, hindi siya nagpapa-double at siya mismo ang gumagawa ng stunts.
He plays Dr. Josh Lazaro na nanay niya si Jaclyn Jose (as Dra. Evangeline Lazaro), head ng research team na nag-eksperimentong gumawa ng cure sa cancer, pero nabigo sila. Kumalat na ang MVD (Monkey Virus Disease).
Sinisisi ni Tom Rodriguez (as Greg) ang kanyang sarili sa pagturok niya sa kanyang ina (Irma Adlawan) ng inakala niyang cure sa cancer nito.
Bistado
Happy si Yasmien Kurdi na bukod sa magandang pagtanggap ng viewers sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka,” mataas ang ratings nito. Napapanahon ang tema nito dahil sa pagtaas ng bilang ng HIV cases sa Pilipinas.
“Gusto namin mabuksan ang isipan ng mga tao sa mga dinaranas na diskriminasyon ng mga taong may HIV. Teleserye ito ng buhay nila,” ani Yasmien.
Kaabang-abang ang mga susunod na episodes ng HKKIK. Bistado na ni Marco (Mike Tan) ang kasamaang ginawa ng kanyang mama Adel (Gina Alajar) at Ava (Jackie Rice) laban kay Thea (Yasmien Kurdi).