By Laila Chikadora
Kapansin pansin na napaka active ng Chair ng FDCP. Maugong tuloy ang chika na tatakbo si Liza Diño- Seguerra for senator kaya siya nag-iingay. Sinagot naman niya ang tanong kung sumagi nga ba sa isipan niya na tumakbo! “No because I think the reason why I’m effective right now ( bilang FDCP Chair ) is because of my love for the industry kasi im one of them. You know? And it’s not inspired or motivated by any political reason it’s because of my being an actor, experiencing the same plight and challenges and wanting to have a better industry.”
Dagdag pa niya, kapag tumakbo siya, paano na ang pelikulang Pinoy? “If I become a senator how can we push for the things that we want to push for here at the FDC?” Ani Liza.
Abala man sa maraming proyekto, di pa rin nawawala sa isipan ng ni Liza at kabiyak na si Ice Seguerra ( Aiza Seguerra ) na magkaroon ng baby! Sa mga nagtataas ng kilay at wondering how… via Invitrolization process po sa Taiwan! Si Liza ang magdadalang tao, habang egg cells ni Ice ang gagamitin. On the look out na din sila para sa kanilang anonymous sperm donor! “Nag-inquire na kami pero personal, may nagbigay lang sa amin ng advice kung saang clinic!
Uhhm, medyo may kamahalan. Kailangan pag-ipunan.”
Pagdating naman sa pangalan ng upcoming addition to the family, guess niyo kung sino ang nag-iisip? “Yung anak namin ang nag-iisip ng names. E, sobrang excited siya.” Maligayang kuwento ni Liza.
So ano nga ba ang gender na gusto niyo te? “Ako boy! May girl na kami though yung anak ko gusto girl pero kahit ano naman masaya siya!”
Walang bisa ang kasal ni Ice at Liza dito sa Pilipinas kaya pinaplano nilang manganak sa States para madala ng bata ang apelyidong “Seguerra”. Say ng FDCP
Chair, “We plan to hopefully give birth na doon para it’s (apelyido ni Ice) acknowledged.”