By LAILA CHIKADORA
Ngayong taon igagawad kay Lav Diaz ang Lifetime Achievement Award para sa kanyang mga kontribusyon sa pelikulang Pilipino hindi lang sa bansa, kundi sa buong mundo. Gusto din ng FAMAS na mas makilala pa ng Pinoy audience ang mga obra ng direktor.
Say ng Jury Chairman, Ricky Lee, “I think it’s long deserved sa mga accomplishments niya abroad and here. Sa tagal ng span ng career niya and yung output niya, I think it’s about time na mapansin lalo pa ng mas malawak ng mga Pilipino ang trabaho niya, na kung minsan na-a-appreciate pa nga sa abroad e. So gusto namin makatulong din ang FAMAS na mas mapansin pa siya. Mahirap man panoorin ang mga pelikula niya, mahalaga naman na panoorin!”
May nadagdag din na bagong award ngayong taon, ang “Dolphy King of Comedy Award” kung saan mismong mga anak ng namayapang King of Comedy, Dolphy ang namimili kung sino ang desrving ng parangal. Ngayong taon, mapupunta kay Jose Marie Borja Viceral o kay Vice Ganda ang nasabing parangal! Paliwanag ni Madonna Sanchez, Executive Producer ng FAMAS, “We felt kasi na kailangan bigyan ng award ang mga comedian because you know, we love comedy as Filipinos and there is no other winner deserving of this award for the first recipient but Vice Ganda!”