By Laila Chikadora
INILABAS na nitong May 3 ang mga nominees para sa FAMAS, ika-66th Gabi ng Parangal na gaganapin sa June 10.
Ilan sa mga nominado para sa best actor ay sina Joshua Garcia para sa pelikulang “Love You to the Stars and Back,” ang rapper na si Abra para sa “Respeto,” at si Dingdong Dantes para sa Star Cinema movie na “Seven Sundays.”
Kapwa nominado ang co-actor niya sa pelikula na si Aga Muhlach pero para sa best supporting actor category! Hindi tuloy napigilan ang pagtaas ng kilay at pag kuwestyon ng mga press at media na umattend ng presscon.
Naging firm naman ang sagot ng Jury Chairman ng FAMAS na si Ricky Lee! “Matagal na pinag-debatehan namin yan, ng juries eh, but eventually, naka arrive kami sa ganyang decision and we believe na tama ang desisyon namin. I’d like to assure you na binuno namin nang matagal yan, ‘tong jury na ito, makulit mabusisi, dumaan sa masusing deliberation.”
Ilan naman sa maglalaban-laban para sa best actress ay sina Iza Calzado para sa pelikulang “Bliss,” Maja Salvador para sa “I’m drunk, I love you,” Julia Barretto para sa “Love You to the Stars and Back,” Dexter Doria para sa “Paki,” Gloria Diaz para sa “Si Apple at si Chedeng,” at si Joana Ampil para sa pelikulang “Larawan.” Ito na ang magiging ikalawang Best Actress Award ni Joana para sa pelikulang “Larawan” sakaling siya ang palaring manalo.
Mapapanood naman sa ABS-CBN sa June 17 ang FAMAS.