By LAILA CHIKADORA
REDING-ready nang manuri at mamili ang Film Development Council of the Philippines ng mga pelikulang pasok para sa ikalawang Pista ng Pelikulang Pilipino! Kahit na sa June 15 pa ang deadline, madami na silang natatanggap na mga entries! May kaunting pagbabago din sa requirements ngayon taon! Say ni FDCP chair and CEO Mary Liza Diño Seguerra, dapat hindi pa naisasali sa kahit anong film fest abroad! “Wer’e very excited kasi this year, ‘yung pinakabagong change kasi is we are requiring na Philippine premiere.”
Isa pang change… adopted na ng FDCP ang pet project na “Sine Kabataan” ni dating National Youth Commission Chair Ice Seguerra na siya ring better half ni Liza. Siniguro naman ng FDCP Chairperson na walang magiging “conflict of interest.” Paliwanag ni Liza, “Hindi na din kasi ipagpapatuloy ng NYC ang Sine Kabataan so we decided to adopt it and make it part of the second year ng PPP. Puwede din naman na humingi ng tulong sa NYC kasi youth ang involved sa paggawa ng mga short films na ito.”
Itataon sa buwan ng Agosto o ang Buwan ng Wika ang PPP. Magsisimula ito sa Aug. 15 hanggang Aug. 22 at ang walong pelikulang mapipili ay maipapalabas sa mga sinehan nationwide. Layunin din ng PPP na maipalabas ang mga pelikula sa ibat-ibang bahagi ng mundo at sila mismo ang maglalako nito sa iba’t ibang bansa para maging global na ang mga pelikulang Pilipino!
Nilinaw din ni Chair Liza na hindi sila nakikipag-kumpitensiya sa Metro Manila Film Festival! Mahaba ngunit malinaw niyang paliwanag, “I think what’s different with MMFF is it’s market. MMFF, you know right away na talagang for the most part, pamilya ang pupunta doon and the films that you are going to make are those that will get the children to go to the cinemas. With August being the month and strategic na din ang sinasabi natin na Buwan ng Wika, so nati-train tayo na it’s may cultural aspect siya, merong Filipino sensibilities at the same time how can we blend that by having commercial values to these films?”