By ROBERT R. REQUINTINA
HINDI nagustuhan ni ace comedian Vice Ganda ang sinulat ng isang reporter matapos nitong pagdudahan ang tatanggapin na award sa Famas sa June 10.
Ayon sa reporter na si Gorgy Rula, naunahan pa raw ni Vice Ganda sina Vic Sotto at Joey de Leon na tumanggap ng Dolphy Lifetime Achievement Award na igagawad kay Vice Ganda.
“Maganda ang lineup ng nominees, pero hindi pa rin nawawala ang ilang questions, bakit? Pero choice nila yun,” ayon kay Rula sa isang article na lumabas sa PEP.PH.
“Kaya lang, di ko kayang palagpasin itong pagpili nila ng Dolphy Lifetime Achievement Award na igagawad kay Vice Ganda.
“Bakit hindi muna si Vic Sotto na mas marami nang na-achieve kesa kay Vice kahit consistent siyang box-office winner at most bankable star?”
“Meron pa ngang Joey de Leon. Dahil ba sa ABS-CBN ang airing?” tanong ni Rula sa nasabing article.
Sinagot naman ito ni Vice Ganda sa pamamagitan ng mga tweets habang nagbabakasyon ito sa Canada.
“It’s 6 am here in Vancouver and I cant sleep dahil vorllog ako sa plane. So naisip kong magtwitter. At ito ang bumungad sakin. Read the article and saw what this reporter named Gorgy Rula wrote. Since di pa naman ako inaantok sasagutin ko na lang tong article.
“Una, Gorgy Rula di ko po kayo kilala at di ko po alam ang mga napatunayan nyo sa buhay kaya di ko din po alam kung bakit masyado kang apektado at di nyo po kayang irespeto ang FAMAS, ang mga tao sa likod nito at ang kanilang desisyon.
“Pangalawa, halatang di ka po masaya para sa aking tagumpay. So nag isip po ako kung paano kita mapapasaya. E kung gumawa ka na lng po ng sarili mong pa-award para ikaw ang masunod tapos magiisponsor ako ng pambilli mo ng trophy magiging happy po ba kayo?
“Kung masyadong abala nman para s inyo ang paggawa ng sarili mong pa-award e ganito na lng po. Attend po kyo ng FAMAS sa June 10 tapos pag akyat ko po ng stage at makapagpasalamat e tatawagin kita para iabot sayo ung trophy para ibigay mo kung kanino mo gustong ibigay. Keri ba un?
“Di po ako galit sa inyo Mr. Grogy Rula ha. Naramdaman ko lng po di kayo masaya para sa tagumpay ko kaya nagiisip ako kung pano kita mapapasaya. Kilala mo naman ako i want to make people happy,” ayon kay Vice Ganda.