By Rowena Agilada
NOTHING to worry about sa kundisyon ni Gary Valenciano na biglaang sumailalim sa isang heart bypass surgery. Dasal ang hinihingi niya and his family para sa mabilis niyang paggaling.
Ayon sa IG story ni Gary, nakaramdam siya ng matinding paninikip at pananakit ng kanyang dibdib na first time nangyari sa kanya. Pinayuhan siya ng kanyang doktor na sumailalim sa maraming tests na base sa resulta, kinailangan ang isang heart bypass surgery.
Successful ang operation and getting better ang kundisyon ni Gary V. Thankful siya sa mga colleague niya sa showbiz and non-showbiz friends na nagdasal for him, and of course sa kanyang pamilya (wife Angeli and children Paolo, Gab and Kiana).
Bad breath
Sa isang interbyu kay Edward Barber, sinabi niyang mabaho ang bibig ni Maymay Entrata pag bagong gising, pero wala raw siyang pakialam. Yuck! Bakit? Inaamoy kaya ni Edward ang bibig ni Maymay pag bagong gising ito?
Tactless din ang binatang tisoy na former PBB teen housemate, noh? Hindi naisip na nakaka-turn-off ‘yun kay Maymay. Sinabi pa ni Edward na mahilig maligo si Maymay at mahilig ito sa oversized clothes kapag nasa bahay lang ito. Magkasama ba sila sa isang bahay, kaya nalaman ‘yun ni Edward? O, naikukuwento lang ‘yun sa kanya ni Maymay? Just asking!
Island girl
Kung si Jaclyn Jose ang masusunod, gusto niyang maging Kapuso na rin ang anak niyang si Andi Eigemann. Anang star ng “The Cure” na gumaganap bilang Dra. Evangeline Lazaro, gusto niyang magkatrabaho sila ni Andi.
By choice naman ang pag-lie low ni Andi sa showbiz. Pinili niyang manirahan sa isang island with her boyfriend. Simple life ang gusto ni Andi.
Kapamilya pa rin siya at siguro naman, welcome pa rin si Andi sa ABS-CBN sakaling gustuhin niyang magbalik-showbiz.
For now, wala siyang project dahil mukhang nag-e-enjoy siya bilang island girl.
Looking forward si Jaclyn na kapag naisipan ni Andi bumalik sa showbiz ay magkasama sila sa isang network.
Samantala, paigting nang paigting ang mga kaganapan sa “The Cure.” Lumaganap na ang MVD (Monkey Virus Disease). Nagwawala na ang mga pasyenteng naturukan ng gamot na inimbento ng team ni Dra. Evangeline na inakala nilang lunas sa cancer.