By DANTE A. LAGANA
GAME na game sumagot ang dating Charice Pempengco (Jake Zyrus na ngayon) sa mga tanong ng press sa kanyang nakaraang presscon. Ito ay para sa kanyang 26th birthday at 10th anniversary in the music business. May concert siyang “Music & Me” na gaganapin sa May 25 sa Skydome, Quezon City.
Sa baba ng kanyang boses ay malayung-malayo na si Jake sa kanyang pagiging biritera. Sa transition ng voice niya, this time babanat siya ng mga awiting jazz at classics.
Nagkaroon din ng chance matanong si Jake tungkol kay Celine Dion dahil magkakaroon ng concert ang Diva sa Mall of Asia Arena this July. Matatandaang naging big break din sa kanya noong mabigyan siya ng pagkakataong makaawit sa concert ng Canadian singer.
“If ever kung matuloy na makaduet uli siya dalawa lang po iyon. Siyempre, kung mapili uli ako it’s an honor.
Hopefully mabigyan din ‘yung iba ng chance. Gusto ko maexperience din nila hindi lang ang pagiging mahusay na singer niya kundi pati na rin ang kabaitan niya,” paglalahad pa ni Jake.
Natanong naman ng TEMPO kung puwede rin bang mangyari sa kanya ang pagwawalk out ni Sarah Geronimo sa nakaraang concert ng Popstar. “I don’t think sa concert na ito. Hindi ko po alam ang pinagdadaanan niya napanood ko po ‘yung video. Pero ang maiooffer ko lang is understanding dahil I mean I’ve been there ‘yung talagang physically and emotionally pagod ka talaga, mahirap talaga,” ang naging reaksyon ni Jake.
Relate na relate si Jake sa awitin ng Canadian Singer na si Shawn Mendes sa kanta nitong “In My Blood” na for sure na kanyang kakantahin sa concert.
Magiging special guests sa concert ni Jake Zyrus sina Kyla, Iñigo Pascual and Jessica Sanchez. Directed by Calvin Neria with Adonis Tabanda as musical director.