By Liezle Basa Iñigo
ROSALES, Pangasinan – Kalaboso ang isang barangay kagawad dito kasama ang dalawa pa makaraang mahuli sila sa akto na kinakatay ang isang kawawang aso.
Kinilala ni Supt. John Corpuz, hepe ng pulisya rito, ang sutil na kagawad na si Joven Ledda, 50.
Ang mga kasama naman ni Lleda ay kinilalang sina Danilo Morden, 55; at Renato Caramat, 43.
Ayon kay Corpuz, nahuli nila ang tatlo Martes bandang alas-8 ng umaga sa Brgy. Rizal, dahil sa tip ng isang concerned citizen.
Diumano’y nag-iinuman ang tatlo at balak nilang gawing pulutan ang kinatay na aso.