By Rowena Agilada
PABALIK na ng Pilipinas si Sarah Geronimo matapos ang US concert tour niya na ang huli’y sa New York. Hindi pa rin siya makakapagpahinga dahil may show naman siya sa Davao SMX Convention Center on June 30. Guest niya si Xian Lim.
Worried ang fans ni Sarah dahil may death threat sa kanya ang kanyang bashers. May isang nag-tweet na sana raw ay mamatay na si Sarah.
May isa pang nagbanta na papatayin nila si Sarah sa Davao. Oras na raw para mamatay si Sarah. Seryoso raw lahat sila (bashers). Grabe!
Dapat siguro’y higpitan ang security ni Sarah sa concert niya sa Davao. Whether nagbibiro o nananakot lang ang kanyang bashers, mabuti na rin ‘yung nakaalerto ang itatalagang security forces para sa kaligtasan ni Sarah.
Naghihintay
Desidido na talaga si Jessy Mendiola magpakasal kay Luis Manzano. He is the one na for her. Sigurado na siya, ani Jessy sa isang interbyu.
Aniya pa, naghihintay na lang siya sa wedding proposal ni Luis. Feeling daw niya’y handa na siya, ayon pa kay Jessy.
Nagparinig na nga ang dalaga sa socmed at nag-post siya words to this effect, “I think I wanna marry this guy (referring to Luis Manzano).”
Anytime soon kaya’y mag-propose na ng kasal si Luis kay Jessy? May wedding bells na kaya this year? Or next year? Abang-abang na lang.
Gym buff
Almost everyday ang taping ni Jennylyn Mercado sa “The Cure,” pero naisisingit pa rin niya ang pagpunta sa gym. Panay ang post niya sa socmed ng sneak peek sa mga ginagawa niyang trainings at routines.
No wonder isa siya sa itinuturing na # fitspo lalo na sa action scenes niya sa “The Cure.” Marami ang nakikiusap kay Jen na i-reveal naman niya ang buong exercise routines niya para ma-achieve rin nila ang sexy and healthy body.
Buwis-buhay
May buwis-buhay na namang eksena si Yasmien Kurdi sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.” Tumalon siya sa isang tulay dahil hinahabol siya ni Gina Alajar (Adel) para barilin.
Hanggang saan kaya ang kasamaan ni Adel, pati ni Ava (Jackie Rice) na kakutsaba niya? Gigil na gigil ang viewers ng HKKIK at gusto rin nilang patayin ang dalawang “bruha” sa buhay ni Thea (Yasmien Kurdi).