By Rowena Agilada
HINDI aabutin ng five years bago magpakasal si Derek Ramsay. Hindi naman niya itinatanggi na nagli-live-in na sila ng girlfriend niyang si Joanne Villablanca. Noon pa sinasabi ni Derek na sa kasal hahantong ang kanilang relasyon.
May mga nagsasabing not the marrying type si Derek. Pinabulaanan niya ito sa presscon ng “Kasal.” Aniya, naniniwala siya sa kasal. Forty-two years nang married ang kanyang parents at magandang halimbawa ang mga ito for him to get married. Complete commitment ang marriage, kaya gusto niyang makasiguro, ani Derek.
Samantala, naikuwento ni Derek sa presscon ng “Kasal” na na-upset siya sa dapat sana’y big scene na kukunan sa kanya sa Pampanga. Night effect ‘yun at nanggaling pa siya sa Alabang. Bago sila mag-shoot ay nagkaroon sila ng matinding diskusyon ni direk Ruel Bayani. Ani Derek, feeling niya hindi niya kayang gawin ang eksena.
Hindi naman siya pinilit ni direk Ruel at pinak-up na lang ang shooting. “I felt upset,” ani Derek.
Balik-GMA
Kung lumipat si Janice de Belen sa ABS-CBN, bumalik naman sa GMA7 ang kapatid niyang si Gelli de Belen. Kasama ang huli sa isang upcoming afternoon soap kung saan makakatrabaho niya ang pamangking si Inah de Belen (anak ni Janice).
Huling napanood si Gelli sa “Bantatay” sa GMA seven years ago. Ang ex-brother-in-law niyang si John Estrada ay Kapuso na rin. Posible kayang magkasama sa future project sina Gelli at John?
Zumba instructor
Gaganapin sa May 19 sa Camarines Sur ang biggest Zumba class in the world (official Guinness World Record attempt) at target ng Zumba instructor na si Ron Antonio na manguna sa historical event na ‘yun.
Dating miyembro si Ron ng boy band na Wise Guy kung saan kabilang ang former “That’s Entertainment” member na si Edgar Tejada. Noong na-disband ang banda, nag-solo performer na si Ron. Bukod sa pagiging singer, dancer din si Ron, kaya nagtayo siya ng dance studio. Aniya, namana niya sa kanyang parents ang hilig sa pagsayaw.
Nagtuturo si Ron ng zumba. Siya ang first Filipino ever zumba instructor na nag-release ng Zumba-inspired dance album “Zayaw Pilipinas” under MCA Music Universal Records. Eight tracks ito na pawang OPM (Original Pilipino Music).
“Good for the health ang pagsu-zumba. Gumaganda ang pakiramdam mo, pati ang pangangatawan mo,” ani Ron. Nagtu-tour siya (Zayaw Pilipinas) here and abroad kung saan ipinapamalas niya ang galing sa pagsu-zumba at pagkanta. Parating jampacked ang venues na pinagtatanghalan ni Ron.