By Rowena Agilada
KAPUSO pa rin si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez. Nag-renew siya ng kontrata sa GMA Network. Ayon sa Hispanoamericana 2017, feeling blessed siya na muli siyang pinagtiwalaan ng network. Hindi naman daw niya talaga nakikita ang sarili na magtatrabaho sa ibang network.
Prior sa pag-renew ni Teresita ng kontrata sa GMA, lumutang ang balitang diumano’y lilipat siya sa ABS-CBN.
Ang boyfriend niyang si Mark Herras ay natanong tungkol du’n na aniya, “Asa pa kayo?” Confident si Mark na hindi lilipat ang girlfriend niya. But if ever, irerespeto niya ang desisyon ni Teresita.
“I am very happy to stay here (GMA) in my home network. Sobrang saya ko. My manager and the Entertainment Content Group are really doing their best to give something na babagay sa akin,” pahayag ni Teresita.
Aniya, given a chance, gusto niyang mag-action sa gagawin niyang project. ‘Yung mala-Lara Croft or Scarlett Johansson. Siyempre, wish ni Teresita na magkasama sila ni Mark sa isang project.
May mga nagsasabi namang ayaw ni Teresita na magkahiwalay sila ng network ni Mark, kaya nag-renew siya ng kontrata sa GMA.
Ayon kay Ms. Lily Rasonable (GMA Entertainment Content Group Senior Vice-President), nag-uusap na sila ng manager ni Teresita na si Arnold Vegafria sa gagawin niyang project. Kapag plantsado na ang lahat, ia-announce nila.
Bukod kina Ms. Rasonable at Vegafria, present din sa contract-signing sina Gigi Santiago-Lara (Senior Vice-President for Alternative Productions), Cheryl Ching-Sy (Assistant Vice-President for Drama Productions), Bang Arespacochaga (Senior Program Manager), at Geleen Eugenio.