By Ruel J. Mendoza
Naging malaking inspirasyon para sa aktres na si Sunshine Cruz ang kanyang tatlong anak kung bakit nagdesisyon ito na bumalik sa school para makapagtapos ng isang college degree.
Natapos ni Sunshine ang kursong Bachelor of Arts in Psychology sa Arellano University at nagawa pa niyang makapag-march sa graduation rites nitong nakaraang buwan.
Kahit na raw isa siyang ina, hindi naging hadlang iyon para mangarap pa siya.
In fact, nasa plano pa ng aktres na kumuha ng master’s degree in psychology.
“Pangarap ko naman noon pa makapagtapos tayo ng kolehiyo, pero hindi ko lang nagawa kasi nga napakaaga kong nag-artista.
“All my children are excelling in school, palagi ko silang nire-remind na, ‘Galingan niyo ang pag-aaral ninyo’.
“Parang nakakahiya naman din on my part na lagi ko silang ina-advice-an na mag-aral, eh ako nga hindi nakatapos ng kolehiyo.
“So, it was my kids who inspired me to go back to school.
“Nag-aral ako sa Arellano University, at nakatapos ako ng BA in Psychology,” ngiti pa ni Sunshine.
After graduation, balik-trabaho muna si Sunshine sa bagong tahanan niya na GMA-7 via the teleserye, Karibal Ko Ang Aking Ina.
“I’m really very excited to be working with such good actors. Like Ms. Bing Loyzaga, sila Zoren Legapi, Bea Binene, Benjamin Alves and a lot more. So sana po abangan ninyo po itong aming teleserye, malapit na po.
“Isa akong dating probinsyana na na-in love kay Zoren Legaspi, pero along the way merong mga komplikasyon kasi parang meron siyang something with Bing Loyzaga.
“Kaya lang merong mabubuo at iyon ay si Bea. Doon dadaloy ang kuwento kung bakit ang title ay Karibal Ko Ang Aking Ina.
“Sa present, makikita ninyo ako na isang fashionista, fierce, couturier. Something new,” pagtapos pa ni Sunshine Cruz.