By Robert R. Requintina
ASIWA ang dating bodyguard ni Kylie Jenner nang mapagdiskitahan siya bilang ama ng anak ng nasabing supermodel.
Sa Instagram, mariing itinanggi ng hot bodyguard na si Tim Chung na siya ang ama ni Stormi, anak nina Kylie at boyfriend nitong black American rapper na si Travis Scott.
Hindi nagustuhan ni Tim, member ng Los Angeles Police Department, ang mga paratang sa kanya at tinawag niya itong “incredibly disrespectful.”
Ayon sa mga fans, may pagkakahawig raw ang hitsura ni Stormi kay Tim. Naniniwala rin daw ang isang kaibigan ni Travis na si Tim talaga ang ama ng anak ni Kylie. Si Stormi ay three months old.
Pero nitong May 13, nag-issue na ng statement is Tim sa kanyang Instagram kung saan meron na siyang 768,000 na followers.
Sinabi niyang ito na ang una at huling beses na magko-komento siya tungkol sa paternity issue.
Ang statement ni Tim: “I am a very private person and would normally never answer to gossip and stories that are so ridiculous that they are laughable;”
“Out of deep respect for Kylie, Travis, their daughter together and their families, I would like to set the record straight that my interactions with Kylie and her family have been limited in strictly a professional capacity only; “There is no story here and I ask that the media no longer include me in any narrative that is incredibly disrespectful to their family,” ayon kay Tim.
Si Kylie, 20, ay half-sister ng sikat na reality star na si Kim Kardashian. Sa murang edad, nakasama na siya sa listahan ng Forbes Magazine list of highest-paid female celebrities of 2017. Noong isang taon, nasa No. 10 na siya at ang kanyang neto ay umabot na sa US$41 million kung saan nakuha niya rin ito sa mga endorsements, reality show at cosmetics line.