By Rowena Agilada
No comment pa si Gabby Concepcion and his camp sa pa sabog ni Sharon Cuneta na ayaw talaga gawin ng ex-husband niya ang dapat sana’y reunion movie nila.
Ayon sa megastar, pumayag na siya sa mga kundisyon ng kampo ni Gabby, matuloy lang ang kanilang reunion movie. Pero ang daming kaartehan, kakiyemehan ng aktor, kaya napuno na si Sharon. Never na niyang gagawin ang movie with Gabby.
Final answer na ‘yun ng megastar. So, there!
Bongga
Bongga naman si Yasmien Kurdi dahil isang red brand-new car ang birthday gift niya sa husband niyang si Rey Soldevilla, Jr.
Sa video na ipinost ni Yasmien sa socmed, pagbukas ng husband niya ng pinto ng garahe nila, tumambad ang 2018 Honda Civic RS na sabi ng kanilang 6-year old daughter na si Ayesha, “Surprise!”
May hawak na birthday cake si Yasmien habang kinakantahan niya ng birthday song ang kanyang husband na isang licensed international pilot. Then, ibinigay ng “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” star ang susi ng kotse.
Post pa ni Yasmien sa socmed: “I am so grateful I married a man as wonderful as you. Ang swerte ko kasi ang pogi mo, mabait, generous at super humble na tao. I hope you never change in life because you are absolutely perfect the way you are. I love you so much. Happy Birthday, Pangga.”
Pasok
Pasok sa Top 10 ng Social Wit List of April 2018 ang “The Cure.” Kahanay ito ng international shows gaya ng “Jersey Shore.” Bongga, di ba naman?
Trending topic ang series lalo pa’t paigting ng paigting ang mga eksena. Maraming tao na ang infected sa kumakalat na virus.
Sweet
Sweet naman ni Lovi Poe. Pinadalhan niya ng isang box of chocolates si Heart Evangelista noong nalaman niyang pregnant na ito .
“Heart, this journey will be much better with some chocolate. I’m with you every step of the way,” ang note ni Lovi sa kanyang Kapuso friend.
Deadma lang ‘yung ibang Kapuso stars sa pagbubuntis ni Heart.