by Alex Calleja
Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
•
Hi Alex,
Ngayon natapos na ang eleksyon at may mga nanalo ng kandidato, ano kaya ang mga aasahan naming mga proyekto nila?
Sendong ng Canlubang
Hi Sendong,
Sa isang perpektong mundo, ang mga magandang gagawin nila ay ang mga sumusunod: HIV, mental health, and family planning awareness. Pwede rin silang gumawa ng mga proyekto para sa mga out-of-school youth. Kaya lang, ito talaga ang mangyayari sa totoong mundo, magpapasimula lang sila ng basketball tournament. Ang tamaan, guilty.
•
Hi Alex,
May kotse ako at madalas ako nagdra-drive kapag papasok sa opisina. Madalas akong dumaan sa C5 kung saan nakakasabay ko ang truck at motorsiklo. Ang tanong, sino ba ang mas makulit, driver ng truck o driver ng motorsiklo?
Carlo ng Bicutan
Hi Carlo,
Parehas lang silang makulit. Madalas din ako dumaan sa C5. Ang mga truck, lumalabas pa rin sa truck lane, ang mga motorsiklo, lumalabas din sa motorcycle lane. May mga truck na akala nila motorsiklo sila kung makasingit sa daan, may mga motorsiklo naman na akala mo truck na nakaharang sa harapan mo! Ang kaibahan lang nila, kapag binangga ka ng truck, yari ka, kapag binangga ka ng motorsiklo, yari siya!
•
Hi Alex,
Binata po ako at gusto kong bumili ng bahay pero may nagsabi sa akin na OK din bumili ng condo. Ano ba ang mas OK?
Martin ng Makati
Hi Martin,
Dahil binata ka, mas OK sayo ang condo. Kapag bahay kasi, pang-pamilya yun. Kapag condo, masarap mang-chicks. Kasi kapag split na kayo at ayaw mo na siya makita, bilin mo lang sa guard na ‘wag siyang papasukin. Kapag bahay at nan-chicks ka, kapag split na na kayo, magugulat ka inaabangan ka niya sa gate.
•
Hi Alex,
Madalas po ako ma-late sa trabaho. Sa isang linggo, halos araw-araw. Ginagawa ko naman po ang lahat para hindi ako ma-late kaya lang traffic talaga sa lugar namin. Ang problema ko, kakausapin daw ako ng boss ko sa Friday! Ano po kaya ang gagawin ko?
Maricel ng Mandaluyong
Hi Maricel,
Magpa-late ka sa Friday para consistent!
•
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or Facebook/Twitter/Instagram: alexcalleja1007.