By Ruel J. Mendoza
Dahil sa matagal na raw walang communication ang Kapamilya actor-singer na si Marlo Mortel sa dating ka-loveteam na si Janella Salvador, nagugulat siya sa mga naglalabasan na balitang hindi maganda ang relasyon ni Janella sa ina nitong si Jenine Desiderio.
Nagtambal noon sina Marlo at Janella sa teleserye na “Be Careful With My Heart” at “Oh My G!”
Simula raw na paghiwalayin sila bilang loveteam, naging madalang na raw silang mag-usap o magkumustahan ni Janella.
“Matagal ko nang hindi nakakausap si Janella. Before we would send text messages, hanggang sa dumalang na. Maybe dahil naging busy siya at naging busy rin po ako.
“I hope that Janella is doing okay. Hindi madali itong pinagdadaanan niya.
“I pray na maging okey sila ni Tita Jenine. After all, magkagalit man kayo, you are still family at dapat pinoprotektahan ninyo ang isa’t isa,” dagdag pa ni Marlo.
Gustong i-pursue ni Marlo ang matagal na niyang pangarap na maging isang full pledged recording artist at kinuha niya bilang co-manager si Jonas Gaffud of Mercator.
“Si Mama Jonas ang napili ko to co-manage me na approved naman na ng Star Magic.
“Ever since, music ang gusto ko. Even noong nasa GMA-7 pa ako sa show na Walang Tulugan with the Master Showman ni Kuya Germs (German Moreno), lagi niya akong pinapakanta sa show kasi alam niyang singing at performing ang gusto ko.
Songwriter na rin si Marlo at may sinulat na isang original song ito titled “I Pray” na dedicated sa kanyang inang nakikipaglaban sa sakit na kanser.
“I was in a bad place at that time dahil iniisip ko ang kalagayan ng mother ko. Kaya every words sa song na I Pray, galing po sa puso ko ‘yan at hindi lang ito para sa mother ko kundi para sa lahat ng mga dumaraan sa sakit na kanser,” pagtapos pa ni Marlo.