By ARIEL FERNANDEZ
Nasa bansa ngayon ang Fil-Am singer na si Jessica Sanchez para sa ilang mga engagement, kabilang na dito ang pagdalo niya sa concert ng kaibigang si Charice Pempengco – na ngayon ay kilala na bilang si Jake Zyrus – na gaganapin sa Skydome, May 25.
Si Jessica ay dumating sa NAIA terminal 1, pasado alas-6 kagabi, kasama ang kanyang boyfriend na Amerikano.
Sinalubong si Sanchez ng mga fans sa airport kasama na rin ang ilan niyang kamag-anak.
Kabilang sa sumalubong kay Sanchez ay ang kanyang Lola na bumiyahe pa mula Bataan.
Sa interview, sinabi ni Sanchez na natutuwa siyang makabalik muli sa Pilipinas.
Nagpasalamat din siya sa kanyang mga fans sa patuloy na suporta.