By Ruel J. Mendoza
Four months pregnant na ang dating beauty queen na si Shamcey Supsup sa second baby nila ng asawang si Lloyd Lee.
Babae ang panganay ng dalawa, at ayon kay Shamcey wish daw niya boy naman this time ang iluwal niya.
“We are praying ni Lloyd na we have a boy naman. Pero kung girl ulit like our panganay na si Nyke, walang issue.
Basta normal at kasing-cute,” ngiti pa ni Shamcey.
Naniniwala naman si Lloyd na may kaakibat na suwerte ang pagbubuntis ng asawa.
Buntis din daw kasi si Shamcey nang simulan nila ang food business nila na ngayon nga ay may bago na namang sangay.
Ito ang Scott’s by PNC, ang bagong version ng Scott’s Burger na sikat noong ‘80s.
Sa bagong name na Scott By PNC, nais ng mag-asawa na i-re-introduce sa madla ang dati nang naging paboritong go-to-burger na very affordable noon.
Ayon sa former Bb. Pilipinas-Universe, ang pamilya ng mister niyang si Lloyd ang may-ari ng Scott Burger at naisip nilang buhayin ulit ito para naman may ibang choices ang consumers ngayon.
“After the success of our All-Pinoy restaurant na Pedro N Coi, hinahanapan kami ng ibang type of food na diner type.
Since Scott Burger was owned by Lloyd’s family, ‘yun na ang naisip naming buhayin ulit.
“Since uso naman ang mga retro at throwback, why not revive Scott Burger and give it a new twist para sa mga taste ng millennials ngayon,” sey pa ni Shamcey.
Matatagpuan ang unang branch ng Scott By PNC sa Uptown Mall in Bonifacio Global City, Taguig City.