Inihayag ng Fil-Am singer na si Jessica Sanchez ang paghanga sa pag-out ng kaibigang si Charice Pempengco na ngayon ay mas kilala na bilang Jake Zyrus. Aniya bilib siya sa pinakitang katapangan nito.
“I’m proud of Jake coming out, being himself. That’s a very hard thing to do, (with) eyes watch(ing) you all the time. This is a real artist being himself,” pahayag ng singer na sumikat sa pakikipaglahok sa “American Idol” ng makapanayam siya ng media kamakailan lang.
Bagama’t ibang-iba na ngayon ang kaibigan lalo na sa anyo at kilos, ani Sanchez hindi siya gaano apektado rito.
“It’s normal to me. It didn’t affect me that much. I’m just really happy to support him in his journey,” sabi niya.
Hindi na bago kay Sanchez ang pag-suporta sa Lesbian, bisexual, gay, transgender, queer/questioning (LGBTQ) community. Sa katunayan, madalas itong mag-perform sa mga events ng komunidad.
Saad nito, “I’m a huge supporter of the LBGT community. When I go back home, I’m going to Chicago and perform at Chicago Pride.”
Kung si Zyrus naman ang tatanungin, isang kapita-pitagang ehemplo si Sanchez ng masipag at talentadong Pinoy na dapat lang hangaan.
“The fact ‘yung talent niya na-appreciate ng marami, ‘yun ang nakaka-proud,” sabi ni Zyrus.
Pangunahing panauhin ni Zyrus si Sanchez sa kanyang May 25 concert sa Sky Dome sa SM North Edsa na pinamagatang “Music & Me.” (Delia Cuaresma)