by Rowena Agilada
Malapit nang matapos ang ipinapagawang bahay ni Julia Barretto. Excited na ipinasilip ng dalaga sa kanyang IG account ang ipinapagawang 3-storey house na sinimulan ang construction last year pa.
Nguni’t nilinaw ni Julia, kahit nakabukod na siya ng tirahan, araw-araw pa rin siya pupunta sa bahay ng kanyang mommy na si Marjorie Barretto. Take note, doon pa rin daw siya kakain. If anything, malapit lang din naman ang bahay na ipinatayo niya sa bahay ng kanayang nanay.
Simula nang maki pag-ayos si Julia sa kanyang daddy na si Dennis Padilla, gumanda ang takbo ng kanyang career. Dati kasi, negative ang dating ni Julia sa publiko. ‘Yun ay dahil sa parang binale-wala niya ang pagiging ama sa kanya ni Dennis.
Dumating pa sa puntong ayaw gamitin ni Julia ang apelyidong Baldivia (real surname ni Dennis) at humantong pa sa korte ang issue. Good thing naayos din.
Buwag na
Buwag na ang love team nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid. “Luhaan” ang GabRu fans dahil nagkanya-kanya nang landas ang kanilang mga idolo.
Sa official statement ni Gabbi sa socmed, sinabi niyang mahirap man daw tanggapin ang pagkabuwag ng GabRu love team, dapat daw tingnan pa rin ang brighter side. Kailangan nilang mag-grow hindi lang bilang artists, kundi bilang individual sa kanilang personal na buhay.
Ilang netizens ang sinisisi si Gabbi sa pagkabuwag ng love team nila ni Ruru pero ani ng dalaga, “Why put the blame on me?” Aniya, na ging loyal siya sa love team nila ni Ruru for four years.
Pahayag naman ng GMA Artist Center, bibigyan sina Gabbi at Ruru ng individual projects to explore their talents.
Challenge
Big challenge kay Xian Lim ang pagsubok niya bilang isang film director. For sure, aabangan ang first directorial job niya na kasali sa Cinemalaya Film Festival next year.
Horror-thriller ang yet untitled movie na ididirek ni Xian. Post niya sa socmed, noong ginagawa niya ang pelikulang “Two Funerals” in 2009, humingi siya ng payo sa namayapa ng director na si Gil Portes dahil gusto niyang maging direktor. “Kung ano man ‘yang pangarap mo, ituloy mo. Paghirapan mo,” sabi raw nito sa kanya.
Thankful si Xian sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng Cinemalaya Film Festival. Sana lang, huwag maudlot!