Rica Cruz
Hi Ms. Rica,
May tanong po sana ako. Nine months na po kaming kasal tapos hindi pa po ako nabubuntis. Dapat po ba dapat sabay kami malabasan (orgasm) para mabuntis ako? Ano po ang dapat gawin?
– Hindi Mabuntis
Hello Hindi Mabuntis,
First of all, I wish you all the best with your young marriage. May you grow together in love and have a long and lasting partnership with your husband. Marami kayong masaya at exciting na malalaman sa isa’t isa na nawa’y makapagpatatag pa ng inyong samahan.
Hmmmm…In order to conceive, kailangan ng healthy sperm, egg, at favorable cervical mucus. Hindi kinakailangan na sabay kayong labasan o mag-orgasm upang makabuo ng baby.
But of course, nakakadagdag ng excitement at saya sa pagbuo ng baby ang orgasm ng babae. Mas nakatuon ang orgasm sa pleasure na nararamdaman ng babae pero walang direktang epekto ito sa pagbubuntis.
Ang orgasm naman sa side ng lalaki ay mas may association sa pagbubuntis. The orgasm usually occurs with ejaculation o paglabas ng semen mula sa lalaki na lumalangoy sa egg at hopefully, magtutuloy sa pagkabuntis.
But of course, kahit hindi required na mag-orgasm ang babae para mabuntis, ay dapat na nating bale-walain ito.
Women need to be pleased to diba? Sex is meant to be a mutually satisfying act for both parties involved. Tsaka ‘wag kayong mapressure with coming together, ha? Kasi hindi siya as common or as easily accomplished.
Sa panig ng babae, mas mataas ang chance to achieve orgasm o “malabasan” from clitoral stimulation than penile penetration. Only 25 percent of women ejaculate through genital intercourse. Kaya tip kay hubby, kailangan din pag-aralan how you can reach orgasm, okay? Isa man yan sa mga kailangan idiscover sa isa’t isa sa inyong relationship.
Lastly, it is always wise to have yourself checked by a physician para malaman din kung mayroon bang ibang problems when it comes to conceiving. Maaaring kailangan ng vitamins or supplements para mas madaling mabuo si baby! O kaya, baka may iba pang medically-related na prosesong kailangang gawin para mas madali kayong makabuo na ang doctor niyo lang ang makakatulong.
That being said, good luck sa inyong pagbuo ng baby. I-enjoy nyo ang prosesong pagbubuo at sexy time na ‘yan and hopefully soon, may bagong member na ang inyong family! #takeitfromthesexymind
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me atwww.facebook.com/TheSexyMind
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.