By Laila Chikadora
Busy ngayon si Sunshine Cruz sa taping ng kanyang upcoming soap sa GMA 7. Mula pa 2013 ay mega trabaho na ang single mom of three para maitaguyod ang kanyang mga anak kay Ceasar Montano.
Kaya naman nilinaw ng aktres na kung galit man ang mga tao kay Buboy dahil sa kinakasangkutan nitong Buhay Carinderia Project noong head pa siya ng Tourism Promotions Board ay huwag idamay ang mga bata na pawang mga menor de edad.
Bukod sa ilang taon na din silang hiwalay, lahat ng gastusin at babayarin sa bahay mula sa pagkain hanggang sa pag-aaral ng mga bagets ay galing lahat sa blood, sweat and tears ni Shine.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ng aktres na kinu-kwestiyon ngayon ng iba ang lifestyle nilang mag-iina. “People are now questioning the food we eat and clothes my children wear because of a person who we/they don’t get to see anymore.”
Dagdag pa ng aktres, walang dapat na ikahiya ang mga anak niya. “I told my kids not to be embarrassed kasi pagkain, damit ultimo sasakyan n’yo ako ang bumili para sa inyo. Nagtatrabaho ako ng maayos at nagpupursige para sa mga anak ko.”
Habol pa ni Shine, “Kung may kasalanan sa inyo ang ibang tao, don’t involve other people especially my children. Mula 2013 nagawa kong magtrabaho at buhayin ang mga anak ko sa maayos na paraan at pagtatrabaho ng maayos bilang artista.”
Sa aming pag-uusap sa Facebook messenger sinabi ni Shine na nag-alala ang kanyang mga anak nang pumutok ang balita tungkol sa isyu na kinasasangkutan ni Bubuy, kaya naman laging busog sa pangaral ang kanyang tatlong dalaga. Lagi ring payo ni Mommy Shine sa kanyang kids, “‘Wag pansinin ang mga bashers and mommy will do the rest!”
“The moment na sumabog ang balita, nag-worry sila talaga but I assured them there is nothing to be ashamed of. Noon pa naman I ask them to delete and block nalang kapag may trolls/bashers. But ako as a mom, I just need to say my piece re this. Kung hindi natatamaan ang anak ko tatahimik ako. Gusto ko lang na klaro ang situation namin.”