By Robert R. Requintina
Mukhang okay na uli ang relasyon nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Nagpahapyaw siya ukol dito sa interview niya sa “Tonight With Boy Abunda” kamakailan.
Ng tinanong siya sa lagay ng kanyang puso, sinagot naman niya ng “Parang umaayos na po.”
Kamakailan lamang, inamin din ni Alonzo sa nasabing talk show na may pinagdaraanan silang dalawa ni Anderson.
Saad niya, “We’re talking. May pinagdaraanan kami but we’re talking. May mga inaayos.”
Aniya ang mga bagay na ito ay produkto ng “choice.”
“I think it’s what I’ve learned. Habang tumatanda kayo, it becomes a choice. Ang pinaka-importante lang is kung hanggang saan ang papanindigan ninyong choice. Kasi in love, pain is inevitable. The moment you choose to fall in love, you choose to experience pain;
“And I think it all boils down to who you want to experience all of that for. Feeling ko doon nag go grow yung relationship ninyo. Ang love hindi naman puro saya eh. Pag mas marami kayong pinagdaanan, mas stronger ang relationship;
“Kailangan paminsan-minsan meron kayong pagdaraanan at paminsan-minsan may matutunan kayo out of all those things na pagdaraanan ninyo,” dagdag pa ni Alonzo, star ng pelikulang “Kasal.”
Nang tanunging kung ano ang importang lesson na natutunan nya sa relationship, sabi ni Alonzo: “Siguro acceptance. Kailangan pag mahal mo ang isang tao, mahalin mo sya ng buong-buo regardless of his flaws.”