By Rowena Agilada
Ang kabisihan sa trabaho ang dahilan ni Joshua Garcia, kaya daw hindi pa sila nagkakausap ni Dennis Padilla, father ng girlfriend niyang si Julia Barretto.
Nasangkot si Joshua sa ilang isyu, kaya gusto ni Dennis na magkausap sila.
Alangan namang si Dennis pa ang mag-effort? Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. ‘Di ba Joshua?
Sarado na
Isinara na ni Kris Bernal ang Meat Kris na food stalls niya sa mga food park. Nagtayo siya ng Korean restaurant sa Dapitan, Manila at next month ang opening. Business partner niya rito ang chef-boyfriend niyang si Perry Choi.
Si Kris ay parte ngayon ng teleseryeng “The Cure.”
Iwas
Lalong nabuo ang hinalang hiwalay na si Cristine Reyes at asawang si Ali Khatibi sa pag-iwas niyang sagutin ang isyu sa panayam ng ABS-CBN News sa kanya sa katatapos lang na Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box-Office Entertainment Awards kung saan tinanghal siyang Best Supporting Actress para sa pelikulang “Seven Sundays.”
Tinalikuran ng aktres ang reporter na nagtanong tungkol sa hiwalayan isyu nila ni Khatibi.
Maybe, hindi pa handa ang aktres pag-usapan ang tungkol sa isyu nilang mag-asawa.
Abala
May bagong pelikulang gagawin si Sharon Cuneta sa Star Cinema. Nakipag-meeting na siya sa executives ng naturang movie outfit. Abang-abang na lang sa ibang detalye.
Bukod dito, pinaghahandaan din ng Megastar ang two-night concert niya sa Araneta Coliseum on Sept. 28 and 29. In line ito sa kanyang 40th anniversary in showbiz.