By Ariel Fernandez
Dumating kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang 22 overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa shelter ng Philippine Embassy sa Kuwait bilang bahagi ng patuloy na repatriation ng gobyerno sa mga Pinoy na tumakas mula sa mga mapang-abusong amo.
Pasado 11 a.m., sinalubong sila ng mga kinatawan ng Overseas Workers Welfare Administration at Department of Foreign Affairs (DFA) sa pangunguna ni DFA Undersecretray Sarah Lou Arriola.
Agad silang tinulungan sa mga travel documents at binigyan ng tig-P5,000 mula sa DFA para sa kani-kanilang pamasahe pauwi at panggastos. Bibigyan din ng airline tickets ang mga OFWs na uuwi ng Visayas at Mindanao.