By Delia Cuaresma
Namayapa na ang ina ng seksing aktres na si Rufa Mae Quinto.
Ibinahagi ni Quinto sa Instagram ang balita, Sabado kung saan nag-post siya ng litrato ng ina kasama siya at ang kanyang anak na si Athena.
“Ma, I love you,” sabi ni Quinto sa caption.
“Lagi ko tatandaan ‘yung sinabi mo na, ‘ ‘Wag ka matakot, maging matapang ka para sa anak mo.’
Dagdag pa niya, “Ang sakit mawalan ng ina.”
Hindi isiniwalat ng aktres ang dahilan ng pagkamatay ng kayang ina.
Ganunpaman, mukhang mapayapang namaalam ang ginang dahil ani Quinto, “At least pumikit ka lang at natulog.”